July three-ling ang tawanan sa "It's Showtime" dahil nagbabalik si MemeRimar sa Laro Laro Pick!
Sa pinakabagong inaabangan na 'teleserye' sa tanghalian, ang You Gotta Lyric portion ng Laro Laro Pick kung saan ina-act-song ng mga hosts ang kantang pinahuhulaan sa players ang title, pang-finale ang eksena nina Vice Ganda bilang MemeRimar at Vhong Navarro bilang Sergio.
Sa pinakabagong kabanata ng kuwento, napalapit ang mga puso nin MemeRimar at Sergio, pero umeksena si MC bilang Inocencia, ang karibal ni MemeRimar. Ang agawan, nauwi sa basaan ng gatas! Sinimulan ni Vhong ang trip. Ibinuga niya ang gatas mula sa bigbig papunta sa mukha ni Meme, hanggang sa gumanti si Meme at nadamay pati si MC. Dahil siya'y inapi, si MemeRimar ay gumanti. Pinalapa niya si Inocencia kay Fulgoso (Lassy), ang kanyng loyal doggie! Ang daming nangyari!
From aktingan, back to hosting si Meme Vice upang papiliin si Duday, ang lucky player from Mandaluyong, kung Pot o Li-Pot ba ang desisyon niya. Wala nang patumpik-tumpik pa, Li-Pot offer ay itinodo na! Kaya hindi na rin nagdalawang-isip si Duday, at tinanggap na ang Li-Pot.
Ngunit laking pagsisisi ni Duday dahil nang subukan ang POT question, tama sana ang sagot niya. Pero tulad ng ipinangako ni Vice Ganda, dinagdagan niya ng P5,000 ang papremyo ni Duday sa oras na makasagot ito nang tama.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
