← Back to Home
TELESERYE SA TANGHALI?! Vice Ganda, gumanap na ‘Marimar’ sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

TELESERYE SA TANGHALI?! Vice Ganda, gumanap na ‘Marimar’ sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

TELESERYE SA TANGHALI?! Vice Ganda, gumanap na ‘Marimar’ sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

🕒 7/1/2026, 7:32:55 AM197 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#JulyNaShowtime#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Marimar#teleserye#Kim Chiu#Amy Perez#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Teddy Corpuz

Pumuti man ang kanilang buhok, nananatili namang makulay ang sense of humor ng mga beloved lolo't lola from Meycauayan, Bulacan na nakisaya sa Laro Laro Pick game arena.

Mga 'veterans' as in veterans sa pagpapatawa naman ang nagsama-sama sa You Gotta Lyric round na bagong inaabangan ng "It's Showtime" fans. Madlang People ay napa-wow nang si Vice Ganda ay lumabas bilang MemeRimar! Aww!

Kung si Meme ang leading lady, si Vhong Navarro ang leading man bilang Sergio. Pero 'yung tawa parang kontrabida! Ang totoong villain sa istorya, 'yung bitter na 'senyora,' si Angelica Santibañez, na ginampanan naman ni Jhong Hilario, na nagmamaganda from head to toe. At sa sobrang likot ni MemeRimar, ayun, nag-hello si Fulgoso.

Ang happy ending sa kuwentong 'to ay para kay Tatay Philip, na umabante sa dulo ng laro. Positive lang ang pananaw ni tatay sa buhay. Aniya, pumunta siya sa "It's Showtime" nang walang dala, kaya aalis siyang sapat na ang P30,000 na Li-Pot offer. Ang lesson dito, minsan, hindi naman masama ang maging kuntento.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
TELESERYE SA TANGHALI?! Vice Ganda, gumanap na ‘Marimar’ sa Laro Laro Pick | It’s Showtime | Cheezmis