← Back to Home
GALIT NA GALIT! Miss Q&A June, tinalakan ang gobyerno! | It’s Showtime

GALIT NA GALIT! Miss Q&A June, tinalakan ang gobyerno! | It’s Showtime

Si June na fluent sa English, very smart ang atake as she talked about her museum adventures. Pero nang mapag-usapan ang gobyerno, hindi na niya napigilan ang damdamin, nag-Tagalog na si June para malinaw at maunawaan daw ng lahat ang kanyang talak.

🕒 6/29/2026, 5:56:24 AM457 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Vice Ganda#Miss Q&A#Miss Q&A June#It's Showtime#Showtime#Jhong Hilario#Anne Curtis#Vhong Navarro#Amy Perez#Kim Chiu#Ion Perez#Darren Espanto#Ryan Bang#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#MC#Lassy#Showtime June 29 2026#Miss Q&A June 29 2026#

Red flag, bare minimun at mixed signals—ano pa ba ang mga bagay na nakakagigil? Ah, 'yung mga fake news na grabe ang toxicity level! Kaya ang mga kandidata ng Miss Q and A, pack-up muna ang pagiging demure at inilabas na ang inner dragonesa! Walang takot na tinalakan ang deserve i-call out ng sambayanan!  

Pakak kung pakak ang lineup ng candidates sa June 29 episode ng "It's Showtime." Mukhang nasala nang mabuti ang batch na 'to, kaya walang tapon sa tatlo! Kung talakan ang usapan, palaban sina June Pangilinan, Khaye Corpuz, at Bb. Talinghaga.  

Si June na fluent sa English, very smart ang atake as she talked about her museum adventures. Pero nang mapag-usapan ang gobyerno, hindi na niya napigilan ang damdamin, nag-Tagalog na si June para malinaw at maunawaan daw ng lahat ang kanyang talak. At ang sabi niya, masyado nang pinapagod ang mamamayang Pilipino sa mga buwis na hindi naman napupanta sa tama. Kaya ang hamon niya sa gobyerno, "magtrabaho nang maayos!"  

Kung fluent si June sa English, matatas naman sa wikang Filipino si Bb. Talinghaga. Hindi na tayo magtataka, dahil Filipino teacher 'areng' matalinong Batangueña. Kung si June ay bumoses para sa mga Pilipinong manggagawa, mga kapwa beki naman ang inilaban ni Bb. Talinghaga. Agree si Vice Ganda sa sinabi ni Bb., na talented ang mga beki. Hindi sila bakla "lang!"  

At kahit tahimik sa umpisa, huwag 'anchahin' si Candidate #2, Khaye, dahil siya naman ay matatas sa swardspeak o gay lingo. At pagme-makeup ang isa sa maipagmamalaki niyang talento!  

Dahil brainy ang mga kandidata for today's video, swabe lang ang tanungan sa Tumpak Ganern round. Hanggang sa nagtuloy-tuloy ang nakabibilib na 'chukchakan' sa Wit Lang, kung saan sina June at Bb. Talinghaga ang nagpuksaan. 

Malinamnam ang ideyang ipinahayag ni June sa tanong na, "Kung sinali ka sa Olympics ng mga pangit, magagalit ka ba?" ganoon din si Bb. Talinghaga sa, "Ano ang skincare ng taong nagmamagandang loob?" 

Kung gaano ka-witty ang 'say' ng mga kandidata sa entablado, gano'n din ang komento ng mga hurado. Si Vince Maristela, na first time mag-judge sa Miss Q and A, nanawagan agad kay Charo Santos na sana bigyan siya ng role sa "MMK." Kung naaalala n'yo, trending ang sagot ni Vince sa isang episode ng Laro Laro Pick kung saan imbes na si Ma'am Charo, ay si ABS-CBN COO Cory Vidanes ang nabanggit niyang host daw ng "Maalaala Mo Kaya."  

Kasama ni Vince si Karylle at Miss Grand International 2025 Emma Tiglao na umupo bilang hurado. At si Bb. Talinghaga ang pinusuan nila bilang Reyna TalakEra sa araw na 'to. 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
GALIT NA GALIT! Miss Q&A June, tinalakan ang gobyerno! | It’s Showtime | Cheezmis