← Back to Home
NAGBASAAN NA! Vice ‘SARA’, inalipin ni Miss Minchin! | It’s Showtime

NAGBASAAN NA! Vice ‘SARA’, inalipin ni Miss Minchin! | It’s Showtime

NAGBASAAN NA! Vice ‘SARA’, inalipin ni Miss Minchin! | It’s Showtime

🕒 6/25/2026, 7:40:45 AM318 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#ShowtimeOTkayaToday#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Vice Sara#Miss Minchin#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Ogie Alcasid#Kim Chiu#Amy Perez#Jugs Jugueta#Lassy

Dito sa "It's Showtime," sobrang OT, este, sobrang OK! Oks na oks ang mga hirit, at oks din ang inspirasyon na dala ng mga Ausome Parents na bumida sa 'Laro Laro Pick' game arena.

Sila ang mga mapagmahal at matatatag na magulang na may anak na PWD (Person With Disability). Hinangaan ng Madlang People ang tibay ng puso ni Nanay Lele, na ang anak ay bulag at may autism. Doble pa ang hirap ni nanay dahil solo lang siya sa buhay, at walang sustentong nakukuha sa dating asawa. Pero doble rin ang pagmamahal na ibinubuhos sa anak niya.

Kahit nagbabadya ang buhos ng ulan sa kalangitan, hindi suspended ang pagpapalabas ng 'Showtime The Movie,' este ng mga eksena sa 'You Gotta Lyric.' With special participation ni Ralph de Leon ang breakup scene kung saan ang kagandahan ni Lassy, mas lumamang sa alindog ni Cianne.

All-star cast naman ang mala-"Princess Sara" na eksena kung saan bumida si Vice Ganda. Siya si Vice Sara! At ang leading man ni Meme, syempre, si Ion Perez bilang Peter C. Walang nakaligtas sa lupit ni Jhong Hilario bilang Miss Minchin, na pabirong pinag-trip-an si Meme at ginawang 'fur baby.' Hanggang sa ang eksenang pagtatanan, nauwi sa habulan (nadapa si Miss Minchin!) at basaan! Walang Unkabogable card dito, dahil kahit si Vice Ganda, ayun, basang-basa!

Pagkatapos ng magulong aktingan, naging seryoso ang usapan nina Vice at Lele sa jackpot round. Si Meme, nagbigay ng payo sa mga nagpaplanong magkaroon ng anak. Mabilisan na ang tawaran, si Meme na mismo ang nanghikayat kay Nanay Lele na mag-POT.

Dahan-dahang binasa ni Meme ang POT question, na nasagot ni Nanay Lele nang tama kaya sa kanya ang P100,000 jackpot money! Bumuhos ang luha ni Nanay Lele at napayakap kay Meme.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
NAGBASAAN NA! Vice ‘SARA’, inalipin ni Miss Minchin! | It’s Showtime | Cheezmis