← Back to Home
Ang BEAN-ta! Miss Q&A candidates, laugh trip ang mga sagot sa Tumpak Ganern | It’s Showtime

Ang BEAN-ta! Miss Q&A candidates, laugh trip ang mga sagot sa Tumpak Ganern | It’s Showtime

Ang BEAN-ta! Miss Q&A candidates, laugh trip ang mga sagot sa Tumpak Ganern | It’s Showtime

🕒 6/24/2026, 6:07:47 AM357 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#ShowtimeTalakPa#Miss Q and A#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Bean#Mr. Bean

Sa paboritong pageant ng mga 'accla,' marami na tayong nakitang ma-BEAN-tang eksena. Pero palagi pa ring mayroong bagong sorpresa dahil ang mga kandidata, hindi nauubusan ng paandar at patawa.

Ang mga beki sa "Miss Q and A," parang naka-unli cups of coffee sa taas ng energy. Sa rampahan pa lang ay to the maximum level na ang bardagulan ng mga contestants—Queen Angie ng Rizal, Jerica Perater ng Leyte, at Lucky Rosales ng Manila.

No'ng isang araw, may napagdudahan ang kabaklaan. At parang déjà vu, mayro'ng muntik nang 'imbestigahan' for today's video. Ang "It's Showtime" hosts, parang duda kung 19 years old ba talaga si Contestant #2!

Promise, bagets pa siya, kaya nga hindi pa nagkaka-jowa! At para ipa-feel naman kay Jerica ang tamis ng pumapag-ibig, siya'y pinakilig ni Ryan Bang, ang ating 'oppa,' sa isang ekena na nagtapos sa slow-mo moment ala K-Drama.

At parang slow-mo rin ang performance ng mga kandidata sa TumPak Ganern round. Literal na 'hayop' sa patawa ang mga sagot tungkol sa hayop na nababanggit sa kantang "Tong Tong Pakitong." At sa next tanong, "Saang 'bean' nanggagaling ang kape?" Sagot ni Jerica, "Mr. Bean." Havey!

Pero kinapos ang mga hirit ni Jerica, dahil maagang nagtapos ang ‘Miss Q and A’ journey niya. Sina Lucky at Queen Angie ang nagtalakan sa ‘Wit Lang’ round kung saan pumili sila ng magkaibang katanungan.

Ang nabunot ni Lucky: "Kung ang ina ang ilaw ng tahanan, pwede ba siyang mapundi?" Sagot naman niya, pwede, dahil tao lang ang mga ina, napapagod din at nauubusan ng pasensya, but at the end of the day, bumabangon sila pagkatapos ng pahinga.

Samantala, nagkabuhol-buhol man ang sagot ni Queen Angie sa tanong na, "Kung ang ama ay haligi ng tahanan, ano naman ang tawag sa mga kaibigan niya?" Ang sagot niya, "haligi ng inuman!"

Pagkatapos ng talakan ay inuman, este, oras na para malaman kung sino ang umangat sa laban. She's really lucky, dahil si Lucky ang itinanghal na Reyna TalakEra of the day!

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Ang BEAN-ta! Miss Q&A candidates, laugh trip ang mga sagot sa Tumpak Ganern | It’s Showtime | Cheezmis