← Back to Home
Lagot kay tatay! Vice Ganda, naalala ang pagsali sa Miss Gay | It’s Showtime

Lagot kay tatay! Vice Ganda, naalala ang pagsali sa Miss Gay | It’s Showtime

Lagot kay tatay! Vice Ganda, naalala ang pagsali sa Miss Gay | It’s Showtime

🕒 6/27/2026, 7:08:34 AM409 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#ShowtimeHappyPride#Miss Q and A#Vice Ganda#Miss Gay#Pride month#Happy pride#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Kim Chiu#Brent Manalo#Ralph de Leon#Karylle

Weekend na, mga accla, kaya come out na sa lungga. Huwag puro "seen" sa GC kapag may nag-invite sa party-party lalo na't Pride Month celebration today. Join sa occasion ang "It's Showtime" family at ang mga weekly finalists ng "Miss Q and A."

From their daily round panalo, nagharap-harap sa panibagong talakan ang limang kandidata this Sabado—Shanaya De Guzman, Lixa Labbuanan, Lucky Robles Collins, Mama Mama, at Andrea Lim.

Bago magsimula ang talakan, enjoy muna sa kuwentuhan. Inalam ni Vice Ganda ang coming-out stories ng mga bekis. Si Lucky, maswerte talaga dahil suporado ng pamilya at sinasamahan pa ng ama sa mga gay pageants. Naalala tuloy ni Meme 'yung unang beses na sumali siya si Miss Gay, at isinuot niya ang gown sa kanyang daddy. Paalala, huwag seryosohin! Eme-eme lang 'to ni Meme!

Hindi naman pwede ang eme-eme lang pagdating sa talakan. Na-challenge ang brain cells ng mga 'accla' sa Tumpak Ganern round, partikular na sa tanong tungkol sa pangalan ng isang senador.

Pagkatapos ng Round 1, naligwak si Lixa, at ang apat naman ay umabante sa Wit Lang kung saan pare-pareho silang pinalakpakan. Kung 'hoholdapin' ka ng ex mo, may ibibigay ka pa ba sa kanya kahit naibigay mo na ang lahat? 'Yan ang tanong kay Lucky.

Kay Andrea naman, "Kung hindi na kayo nagkakaintindihan ng taong mahal mo gagamit ka ba ng Google translate?" Si Mama Mama, tinanong kung anong oras siya magse-set ng alarm para magising sa katotohanan na hindi siya mahal ng taong mahal niya. Para naman kay Shanaya, "Kung ang jowa mo ay nanlalamig na, dadalhin mo ba siya sa punerarya?"

Ang mga hurado, natuwa hindi lang sa mga sagot kundi sa mga witty questions din na para bang may hugot. Nagtuloy-tuloy ang 'chukchakan' sa next round kung saan sina Mama Mama at Andrea ang naglaban

Iisang tanong lang ang ibinato sa kanila: "Anong materyal na bagay ang ireregalo mo sa nanay mong pagod?" "Ointment" ang sagot ni Mama Mama, at "bulaklak" naman para kay Andrea.

Satisfied ang mga hurado! Sabi ni Nicole Cordoves, mula nang ini-launch ang pinakabagong Miss Q and A season, ngayon lang siya nakapagbigay ng perfect 10 points. Parehong magaling ang dalawang kandidata, kaya idineklarang "tie" ang resulta.

Sina Mama at Andrea ang Miss Q and A Reyna TalakEra Talakitalk of the week!

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Lagot kay tatay! Vice Ganda, naalala ang pagsali sa Miss Gay | It’s Showtime | Cheezmis