← Back to Home
SIKAT NA ‘YAN SIYA! TRINA, pinagkakaguluhan sa mall? | It’s Showtime

SIKAT NA ‘YAN SIYA! TRINA, pinagkakaguluhan sa mall? | It’s Showtime

SIKAT NA ‘YAN SIYA! TRINA, pinagkakaguluhan sa mall? | It’s Showtime

🕒 6/26/2026, 5:47:24 AM356 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#ShowtimeNakakaOT#Miss Q and A#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ogie Alcasid#Trina

Sa "It's Showtime," pamilya ang turingan ng hosts at fans. Kaya hindi nakakapagtaka na pati behind-the-scenes people, kilala na ng all.

Ang unang round ng bardagulan, sa "Miss Q and A" natagpuan. Sa kanilang mga talak, atensyon mo'y mahahatak! Palaban sa puksaan sina Andrea Lim ng Pampanga, Rhian Orain ng Valenzuela, at Pau Chiu ng Manila.

Ang pangalan ni Candidate No. 3, inspired by Chinita Princess Kim Chiu, na 'peg' niya at idolo. Pero sa paningin ni Vice Ganda, hindi naman si Kim ang kanyang nakikita. Para bang deja vu, namalikmata si Meme at nakita si Tado! Biro niya, "Si Candidate #3 ay nakaaway ko no'ng Season 1." Baka ito na nga ang 'closure' na inaabangan.

Alam mong Solid Showtimer ka kung gets mo ang context ng biro ni Meme tungkol kay Candidate Number 3. At isa pang sign na ika'y super faney, kapag kilala mo pati ang staff ng programa. Katulad ng Excutive Producer na si Trina, na palaging kinukumusta ngayon ng netizens kapag napapa-overtime ang show. Si Trina kasi ang kilala ng viewers na nagmo-monitor ng air time. Kaya biro ni Vice Ganda, hindi na makapag-mall si Trina dahil pinagkakaguluhan na!

Samantala, nawindang ang everyone sa sagot ng mga kandidata nang tanungin kung ano ang English ng labanos. Kaya hirit ni Meme, "Mga bakla, aral-aral din."

Pero sa hinaba-haba man ng kulitan, may dalwang kandidata na umabante sa second round, at ito ay sina Andrea at Pau. Ang tanong kay Andrea, "Papayag ka ba na marami kang pera pero na kay Vice Ganda?" Sagot niya, ayos lang naman dahil may tiwala siya kay Meme. At si Pau naman, natanong kung papayag siyang maging doktor kahit madali siyang mahawa ng mga sakit. Sagot naman niya, oo, dahil kahit mahawa man siya, si God pa rin ang magapapagaling sa kanya.

Pagkatapos ng WIT Lang, si Andrea Lim ang pinusuan nina hurado Karylle, Brent Manalo, at Miss Grand International 2025 Emma Tiglao, at itinanghal na Reyna TalakEra of the day.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.