Ngayong July 3 and every day, ang tawanan sa "It's Showtime” ay free. Kasama ang mga kandidata ng Miss Q and A, ang good vibes ay times three!
Sina Agua ng Parañaque City, Raux Araneta ng Negros Occidental at Kyla ng Laguna, kanya-kanyang paandar sa pagpapakilala sa Madlang People. Pero ang pinakagusto nilang makilala, eh 'di ang mga crush nila! Parang Valentine's season sa buwan ng Hulyo, kilig ng ladies ay todo-todo dahil kina Michael Sager, Ralph de Leon, at Brent Manalo.
Pero hindi lang crush ang kayang nilang ipaglaban, dahil pati sa social issues ay hindi matitinag ang kanilang paninindigan. Syempre, namana nila ang tapang ni Vice Ganda, na hindi matatakot 'ipahiya' ang mga magnanakaw, lalo na 'yung mga sangkot sa flood control scam, kung sakaling makasabay niya ito sa daan. Pero kung guwardiyado ang magnanakaw, teka lang, ibang usapan na 'yan.
Mukhang na-inspire ang mga kandidata kina Michael, Ralph at Brent dahil sa unang round ay mabilis ang kanilang pagpindot at pagsagot.
Sina Agua at Raux ang nanguna sa Tumpak Ganern at nag-face off sa Round 2 na Wit Lang. "Ano ang mas mabilis kumalat? Tsismis o utot na walang tunog?" 'yan ang tanong na nabunot ni Raux, na naniniwalang mas mabilis kumalat ang tsismis dahil sa social media. Samantala, ang para kay Agua, "Kung hulog ka ng langit, sinong tumulak sayo?" Sagot niya, maaaring ang tumulak sa kan'ya ay 'yung mga taong nagawan niya nang masama.
Parehong magaling! Mga answers nila ay winning! Kaya naman 'it's a tie' ang resulta. Sa araw na 'to, mayroon tayong dalawang Miss Q&A Reyna TalakEra.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
