July 2-do ang saya, kaya huwag magpatumpik-tumpik pa. Times two ang happiness na darating sa'yo, basta maniwala ka lang at magkaroon ng pusong positibo, ngingiting pabalik ang mundo.
Siguradong mapapangiti ka sa kilig dahil not just one, but four Gen Zs ang bumisita sa "It's Showtime" today. Sina "PBB Collab 2.0" heartthrobs Heath Jornales, Marco Masa, at John Clifford, at Big Winner Caprice Cayetano, kumasa sa "Ooh Lala Baby! Cuties!
From cute to fierce, on fire ang mga Miss Q and A candidates as they faced the toughest and most mind-boggling questions. Sina Jers Sabado, AC Faulkerson, at Mikkay Clemente ang nagharap-harap sa 'chukchakan' at puksaan ng talent. 'Yun nga lang, si Mikkay, talent daw ang "magmahal nang paulit-ulit kahit nasasaktan."
Mabilis ang naging sautan sa Tumpak Ganern round, hanggang sa natira sina Mikkay at Jers para magharap sa Wit Lang kung saan may kinalaman sa mga fairytale characters ang tanong.
"Bakit naka-cropped top si Winnie the Pooh? Gen Z ba siya?" Sagot ni Mikkay, kailangan talagang mag-adapt sa changing times. Ang nabunot naman ni Jers, "Papayag ka bang ikaw si Rapunzel pero buhok sa ilong ang mahaba sayo?" Ang sagot niya, oo, dahil hindi siya makikinig sa mga panghuhusga sa kanyang pisikal na itsura.
Tumatak ang talak ni Jers. Siya ang pinusuan nina hurado Nicole Cordoves, Michael Sager, at Max Collins. Diretso Sabado nga ang laban niya para sa weekly finals.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
