May mga bisita na gustong-gusto natin na laging bumabalik. Katulad na lang kapag si good news ang kumatok, todo smile tayo at greet. Sa episode na 'to ng "It's Showtime," may dalawang espesyal na visitors na naghatid ng mgakaibang feels sa Madlang People.
Nakisalo sa FUNanghalian si Kapamilya crooner TJ Monterde, na naghain ng full serving of love and kilig sa live performance ng "Teka Lang," na trending hindi lang dahil sa lyrics at melody na tumatagos sa puso, kundi pati na sa music video nito featuring the reunion of John Prats at Heart Evangelista—kilig na may kasamang nostalgia!
Pero mas nakakakilig ang kuwento sa likod ng kanta. Ibinahagi ni TJ na isinulat niya ang "Teka Lang" para sa kanyang misis na si KZ Tandingan, inspired by those moments in the past na na unti-unti niyang nare-realize na, "Teka lang! Parang nafo-fall na ako, ah!"
Kumatok din sa pintuan ng "It's Showtime" at may pasalubong na good vibes ang Thai content creator na si Aon Somrutai, na kilala sa linyang, “Thank you, Kateyki!” at first time pa lang bumisita sa Pilipinas pero feeling at home na sa init ng pagtanggap sa kanya. Game na game siyang nakipagkulitan sa hosts, na isa-isang nagpakilala—si Brent Manalo ang nanguna.
Dahil sa init ng pag-welcome sa kanya, mukhang masusundan pa in the future ang kanyang unang pagbisita. Pero bago siya mag-goodbye pansamantala, sa 'Oohh Lala Baby' dance challenge, siya ay kumasa!
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
