← Back to Home
Ogie, humiwalay ang KALULUWA sa ginawa ni Ralph | It’s Showtime

Ogie, humiwalay ang KALULUWA sa ginawa ni Ralph | It’s Showtime

Napalaban si Ralph at para bang napadasal nang muntik siyang matumba habang binubuhat si Ogie Alcasid. Laugh trip! Solid!

🕒 7/13/2026, 6:32:56 AM317 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Ogie Alcasid#Ralph De Leon#It's Showtime#Showtime#Jhong Hilario#Vice Ganda#MC#Anne Curtis#Vhong Navarro#Amy Perez#Kim Chiu#Ion Perez#Darren Espanto#Ryan Bang#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Lassy#Showtime July 13 2026#Miss Q&A July 13 2026#Laro Laro Pick#Laro Laro Pick July 13 2026

Hindi mumunti, kundi malaki ang swerteng dumapo sa mga residente ng Poblacion, Muntinlupa City na bumida sa Laro Laro Pick game arena, sa July 13 episode ng “It’s Showtime.” 

Inspiration para sa buong nation ang ibinahagi ni Bel, ang loving mommy na pilit nilalakasan ang loob sa kalagayan ng anak na nagka-mild stroke sa edad na 6. Mahirap man ang laban ng buhay, nand'yan naman si hubby na kanyang kaagapay. 

Pero hindi rin nawawala ang pag-e-enjoy. Si hubby, basketball ang hilig at paboritong player si... Michael V? Ay, Michael Jackson! Parehong mali! Kaya para sa sakyan ang trip ng mister ni Bel, kanya-kanyang pabida ng MJ moves ang "It's Showtime" family.  

Michael Jackson na Gen Z ba kamo? Sagot 'yan ni Darren Espanto! Nakakatunaw naman sa kilig ang version ng MJ moves ni Brent Manalo, at ang kay Ralph de Leon ay pang-judo. Napalaban si Ralph at para bang napadasal nang muntik siyang matumba habang binubuhat si Ogie Alcasid. Laugh trip! Solid!  

Solid din ang aktingan sa You Gotta Lyric round. Aktingan lang 'to, pero 'yung hurt ni Lassy parang totoo. Sagot kasi ng player sa eksena niya, "Mabaho!"  

Samantala, nangamoy swerte ang jackpot round kasama si player Edmar, isang store crew, na tawang-tawa sa trip nina Vice Ganda. Nonchalant and shy lang siya no'ng una pero lumabas ang magandang ngiti nang mapag-usapan ang pangarap para sa mga supling.  

At para sa mga anak, mas pinili ni Edmar ang siguradong panalo. Li-Pot offer na P35,000 tinanggap nang buong puso. But for the sake of fun and more papremyo, nag-promise si Vice Ganda na ang pera ni Edmar ay dadagdagan niya ng limang libo kapag nasagot pa rin nito nang tama ang Pot question. Maka-score kaya si Edmar ng dagdag pampa-happy? 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.  

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Ogie, humiwalay ang KALULUWA sa ginawa ni Ralph | It’s Showtime | Cheezmis