Susuyuin ng mga taga-Manuyo Dos, Las Pinas ang swerte upang masungkit nila ang Laro Laro Pick POT money sa “It’s Showtime” July 9 episode.
Enjoy ang hosts sa chikahan with Tin, na pangarap maging pulis noong kabataan pero ngayon makeup na ang kanyang fantasy. Kakaiba naman ang nickname ni Meow, ang solo parent na raketera queen.
Samantala, now showing ang Episode 4 ng Memerimar sa act-song portion ng You Gotta Lyric round. Si Sergio (Vhong Navarro) nagselos dahil para bang mas mahal ni Memerimar (Vice Ganda) si Fulgoso (Lassy). Dumating naman sina Senyora Angelika (Jhong Hilario) at Inocencia (MC) upang makipagsundo kay Memerimar. Pero ang batian, nauwi sa bugbugan!
Nagtangka pa si Senyora na lasunin ang ating bida. Mabuti na lang natapon ang tubig na may lason at hindi nagtagumpay ang mga malditang may budhing maiitim. Samantala, si Fulgoso, mukhang nakahanap ng ka-love team!
Sa jackpot round, mabilisan ang naging tawaran nang tanggapin agad ni Lenlen ang Li-Pot offer na P30,000. Malaking tulong na kasi ito pra sa therapy ng anak niyang nasa autism spectrum.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
