From 'noontime war' to 'noontime wow!' The world is healing, dahil sa hinahaba-haba man ng journey, friendship pa rin ang ending. Kapag nagsama-sama ang mga icons ng comedy, talagang winner ang everybody.
Napuno ng excitement ang July 4 episode ng "It's Showtime" dahil sa isang simpleng 'kumustahan' na gumawa ng kasaysayan! Bago magsimula ang weekly finals ng "Miss Q and A" segment, binalikan ni Vice Ganda ang episode kahapon kung saan nag-'hello' siya kay 'Bossing' Vic Sotto. Kahapon din, sumagot si Bossing sa sarili nitong programa at may ipinaabot pang paanyaya kay Meme, na gusto niya umanong makausap nang masinsinan.
Matutuloy na ang pagkikita ng dalawang icons ng noontime at komedya, dahil nag-reply si Meme at nagbigay na ng meeting place and time. “Bossing, pasensya na, busy ako today. Pero, Bossing, gusto rin naman kitang makita at makausap nang personal. Gusto kitang mayakap, mabati, mahalikan. At talagang gusto kong magkaroon tayo ng malalim na usapan."
"Bossing, kung may oras ka bukas, magkita tayo, 4PM sa Cubao," imbitasyon ni Meme, na looking forward sa pagtatagpo nila ni Bossing. "Maraming salamat po sa paanyaya n'yo. Ako po ay kinikilig at excited."
"Tingnan natin kung ano ang mangyayari sa aming pagtatagpo," dagdag ni Meme. "Bukas, maaaring wakasan namin ang noontime war."
Ano kaya ang pag-uusapan nina Meme at Bossing?!
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
