Habang ang lagay ng panahon ay ating binabantayan, nagpaulan ng talak ang mga Miss Q and A candidates na walang inaatrasan sa bardagulan.
Sa ika-apat na weekly finals ng trending pageant sa "It's Showtime," signal number 5 ang lakas ng dating nina Anika Garcia, Eysi Vigo, Carla Flores Argonza, Rhed Sicua, Cassandra B., at Justin Manlapas.
Dahil weekly finals, tatlong rounds ang pinagdaanan ng mga kandidata hanggang masala kung sino ang pinaka pak na pak sa chukchak. Sa unang round na Tumpak Ganern, sina Anika at Carla ang naligwak.
Ang mga umabante sa Wit Lang na sina Eysi, Rhed, Cassandra, at Justin, nagpataasan ng creativity, intelligence, at eloquence sa pagsagot sa mga nabunot na tanong na may kinalaman sa mga sitwasyon ng pag-big.
Napaisip si Cassandra nang malalim sa tanong na, "Dapat ba may paalam kung gagamitin ka ng jowa mo?" sabay bitaw ng quotable quote tungkol sa conscience. Sumunod naman si Justin na nabunot ang, "Maliligo ka pa ba kung iba na ang kayakap niya?"
Hindi rin nagpakabog si Eysi na tinapatan ang quotable quotes ng mga kalaban as she answered the question, "Magsasanla ka ba sa taong hindi naman alam ang value mo?" Looking gorgeous in blue si Rhed, na serious mode sa pagsagot sa, "Anong parusa ang dapat ipataw sa jowa mong sumuko nang mahalin ka?"
Walang mapaparusahan for today's video, dahil lahat ng kandidata ay markado sa mga hurado. Ngunit para bang may 'red string' na ikinabit sa kanilang dalawa ang tadhana, sina Justin at Cassandra, na nag-tie kahapon, ang muling nag-face off sa Beklamation.
At katulad ng kanilang kapalaran kahapon, kambal na panalo ang kanilang natamo. Sina Justin at Cassandra, parehong kinoronahan bilang Miss Q and A TalakiTalk of the week, matapos pabilibin ang mga hurado sa tanong na, "Kung magkaka-amnesia ka, ano’ng pangyayari sa buhay mo ang gusto mong tuluyang makalimutan kahit na gumaling ka pa, at bakit?"
Samatala, sina Max Collins, Ralph de Leon, at Nicole Cordoves ang umupong mga hurado ngayong super slayable na Sabado.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
