← Back to Home
Lola Move, ipinakita ang ‘Ogie Diaz Acting Workshop’ kay Vice Ganda | It’s Showtime

Lola Move, ipinakita ang ‘Ogie Diaz Acting Workshop’ kay Vice Ganda | It’s Showtime

Kung ang talak ng isang lola ay may dalang wisdom, ang talak naman ni Candidate No. 3 ay may dalang katatawanan. Lahat ng gusto ng Madlang People ay kanyang gagawin, mapa-interpretative dancing tapos sa floor ay may pa-rolling, o ala Ogie Diaz workshop na acting.

🕒 7/13/2026, 6:02:20 AM308 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Miss Q&A#Miss Q&A Lola Move#Ogie Diaz Acting Workshop#It's Showtime#Showtime#Jhong Hilario#Vice Ganda#MC#Anne Curtis#Vhong Navarro#Amy Perez#Kim Chiu#Ion Perez#Darren Espanto#Ryan Bang#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Lassy#Showtime July 13 2026#Miss Q&A July 13 2026#

Pagkatapos ng weekend na makulimlim at maulan, sa wakas ay sumilip na ang haring araw. Parang sunshine, nagpasikat din ang tatlong kandidata sa Miss Q and A segment ng "It's Showtime." 

Ang kanilang mga beauty at personality na naghatid ng laughter, certified pang-main character. Good vibes ay solb kasama sina AZ Sasaki, Mitch Anne Lorenzo y Parizcova, at Lola Move.  

Hindi pa man tumatalak, feeling winner na si AZ sa halik ng 'oppa' na kanyang kinakikiligan, si Ryan Bang! At kung ang choreographer na si Mitch ay super groove, hindi naman nagpakabog si Lola Move.  

Kung ang talak ng isang lola ay may dalang wisdom, ang talak naman ni Candidate No. 3 ay may dalang katatawanan. Lahat ng gusto ng Madlang People ay kanyang gagawin, mapa-interpretative dancing tapos sa floor ay may pa-rolling, o ala Ogie Diaz workshop na acting. Pero walang biased sa edad dito, dahil kahit lola ay 'napagalitan' ni Vice Ganda, muntik pang ma-olats dahil bida-bida?  

Bida nga talaga si Lola dahil sa Tumpak Ganern round siya ang frst to slay, at sinundan naman ni AZ. Time to face-off sa Wit Lang! Wala nang waiting pa, dahil agad-agad kung kumuda ang dalawang kandidata. 

Sa tanong na kung kikiligin ba siya sa halik ni Hudas, sabi ni Lola Move, maaaring magpatawad ngunit huwag makakalimot. Na-challenge naman si AZ sa tanong na kung tatalab ba ang gluta sa maitim na budhi, at ang sagot niya, "Hindi!" 

Dahil sa kanyang chukchak, at bonus pang winning groove, sa mga hurado'y approve si Lola Move! Winner ang lola n'yo na kinoronahan bilang Miss Q and A Reyna TalakEra of the day matapos ma-impress sina hurado Brent Manalo, Ralph de Leon, at Nicole Cordoves.  

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.