← Back to Home
James Reid, sinabayan ang Baby Dolls sa ‘Oohh Lala Baby’ dance | It’s Showtime

James Reid, sinabayan ang Baby Dolls sa ‘Oohh Lala Baby’ dance | It’s Showtime

Siguradong mas popogi sa paningin n'yo kay James kapag napanood ang paggiling nya with the Baby Dolls.

🕒 7/14/2026, 6:40:18 AM261 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#James Reid#James Reid Showtime#It's Showtime#Showtime#Jhong Hilario#Vice Ganda#MC#Anne Curtis#Vhong Navarro#Amy Perez#Kim Chiu#Ogie Alcasid#Ion Perez#Darren Espanto#Ryan Bang#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Lassy#Showtime July 14 2026#Miss Q&A July 14 2026#Laro Laro Pick#Laro Laro Pick July 14 2026#James Reid baby dolls

Sabi nila, may darating na someone, someday, 'yung kapag nakita mo siya parang laging may background music ang paligid. Kapit lang, dahil minsan dumarating 'yan nang biglaan. Habang hinihintay ang pagdating ng pag-ibig, heto na si Mr. Randomantic James Reid, handang magpakilig! 

From "Randomantic," may bagong harana from James, na perfect sa moments when naghahanap ka ng sandalan. Kaya naman ang Madlang People at "It's Showtime" fans, nakaramdam ng comfort sa kanyang soothing voice. 

And here's something new! Si James, siguradong mas popogi sa paningin n'yo kapag napanood ang paggiling ni James with the Baby Dolls. Talagang mapapa-"Oohh Lala Baby" ka! Biro ni James, ang moves niya, inspired by his best friend Ryan Bang. ICYDK, James and Ryan go way back since "PBB Teen Clash of 2010."  

Lahat sa mundo may halaga, mula sa mga kulisap hanggang bulaklak sa hardin at mga puno (please huwag naman natin silang putulin). Sa Miss Q and A, boses ng mga kandidata ay may halaga at aral na puwedeng pulutin. 

Huwag 'inaancha' ang mga kandidata dahil hindi sila basta-basta. May maipagmamalaking talento, talino at puso sina Summer Rejane Corpuz, Wilson The Buss, at Jomma Johnson na nagpagalingan sa talakan.  

Hot na hot talaga ang puksaan with special guest hurado Marina Summers. Present pa rin si Nicole Cordoves, with Ralph de Leon.  

Tuloy-tuloy ang ligaya sa Laro Laro Pick, kung saan bumida ang mga taga-Tonsuya, Malabon sa game arena. 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
James Reid, sinabayan ang Baby Dolls sa ‘Oohh Lala Baby’ dance | It’s Showtime | Cheezmis