← Back to Home
HOPIA! Jackie, hindi nakayakap kay Darren sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

HOPIA! Jackie, hindi nakayakap kay Darren sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

HOPIA! Jackie, hindi nakayakap kay Darren sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

🕒 5/27/2026, 5:57:05 AM380 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#Laro Laro Pick#Jackie Gonzaga#Darren Espanto#Vhong Navarro#Vice Ganda#Jhong Hilario

Isang reply lang ni crush, happy ending na agad ang kuwento mo. Sa sobrang lakas 'humopia,' parang kayong dalawa lang ang nag-e-exist sa mundo. Pamilyar ang eksenang 'delulu' na ito sa May 27 episode ng "It's Showtime."

Sa 'You Gotta Lyric' portion ng 'Laro Laro Pick' kung saan sumabak ang hosts sa aktingan gamit ang mga linya ng kanta, para bang sumeryoso ang kilig ni Jackie Gonzaga. Sa kantang "Yakap Sa Dilim" na in-'act song' niya with Darren Espanto, damang-dama ang emosyon na para bang may dagdag imahinasyon. Hirit ni Vice Ganda, 'humopia' ang anak niya!

Aliw rin ang eksena nina Jhong Hilario at Jugs Jugueta. BL ang genre, at hiniritan ng kiss ang dalawa. Teka, join din sa aktingan si Maymay Entrata?!

Nakisaya rin ang mga Senior Citizens ng San Juan City na bumida sa game arena. Na-enjoy nina Vice Ganda, Vhong Navarro at Jhong ang kuwentuhan with Nanay Jevelyn, na libangan at exercise ang dancing. Pero hindi lang beat, kundi puso ni mister ay hawak din niya. Nang tanungin about their favorite kind of lambingan, si mommy, na-shy at napangiti.

From San Juan, may bitbit siyang pasulubong kay Meme—"manggang kalabaw" with special bagoong na homemade by her sissy. Nang dahil sa mangga, umasim ang mga tagpo sa game arena. Si Player Violy, umapela! Hindi umano "manggang kalabaw" ang bitbit ni Jevelyn. May sariling taniman daw sila ng mga manggang kalabaw, kaya kabisado niya ang hugis nito. Paliwanag ni Jevelyn, baka kasalanan ng tindera sa palengke? Baka siya'y napeke? 'Di bale, basta ang importante, ang bagoong na pasalubong, pasado kay Meme!

Kung classroom ang game arena, at si Vice Ganda ang teacher nila, si Tatay Rey naman ang estudyanteng napa-"Ma'am, may I go out?" dahil naiihi na pala. Kaya sinamahan siya ni Vice sa dressing room nito para makigamit ng banyo. Ang cute talaga ng pagiging unscripted ng mga lola't lolo.

Maya-maya pa, sumabak na sa 'exam' ang madlang seniors. Ang valedictorian ng batch, walang iba kundi si Jevelyn, na umabante sa final game. Para bang si Meme ang lucky charm at fairy godmother! Masungkit kaya ni mommy ang P200,000 POT money?

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
HOPIA! Jackie, hindi nakayakap kay Darren sa Laro Laro Pick | It’s Showtime | Cheezmis