← Back to Home
Mga teachers, ‘TAKOT’ DISIPLINAHIN ang mga estudyante? | It’s Showtime

Mga teachers, ‘TAKOT’ DISIPLINAHIN ang mga estudyante? | It’s Showtime

"Ngayon talagang mas matatakot ang teacher sa bata," pabirong pahayag ni teacher.

🕒 5/23/2026, 6:09:49 AM334 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Laro Laro Pick Teachers#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#Kim Chiu#Amy Perez#Karylle#Ogie Alcasid#Darren Espanto#MC#Lassy#Ryan Bang#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Ion Perez#Cianne Dominguez#Its Showtime May 23 2026#Laro Laro Pick Showtime#Laro Laro Pick May 23 2026#

Sa classroom, si Ma’am at Sir ang unang gumagabay. Sila ang nagtuturo kung paano mangarap at lumaban sa buhay. Mula umaga hanggang gabi, lesson plan pa rin ang kanilang hawak, pero ang sweldo, palaging salat. Kaya ang panawagan ng mga guro, "Baka naman!" Sahod ng mga teachers ay dagdagan!

Sa May 23 episode ng "It's Showtime," mga elementary teachers muna ang nag-enroll sa 'Laro Laro Pick' game arena. Kinilala ng hosts si Teacher Jo, na magpapahinga na finally sa kaka-'London' dahil malapit makatapos ang anak sa kolehiyo.

Kung akala n'yo ang 'London' ay lugar ng sosyal at malamig, para sa mga teachers, ito ang takbuhan nila kapag kinakapos sa panggastos—'London,' as in, 'loan-dito' at 'loan-doon.' Dinadaan na lang nila sa biro ang problema sa sweldo, pero sana seryosohin naman ito ng gobyerno.

Kuwento pa ni Ma'am Jo, 27 years na ang karera sa eskwelahan. Kung minsan siya'y kinatatakutan, pero promise, hindi siya masungit. Ang totoo n'yan, pag-amin ni ma'am, silang mga guro pa ang 'di maiwasang matakot sa mga estudyante dahil sa pangahon ngayon na ibang-iba na ang paraan ng pagdidisiplina sa paaralan.

Siya pa nga ang minsang naipatawag sa principal's office nang diumano'y pagalitan niya ang estudyanteng madalas lumiban sa klase. May pagkakataon din na pinagbantaan siya ng isang bata—subukan daw niyang magalit at sa barangay sila magkikita. "Ngayon talagang mas matatakot ang teacher sa bata," pabirong pahayag ni teacher.

Seryoso with fun on the side naman ang pagsagot nila sa mga tanong sa 'It's Giving' round. Pero pagdating sa aktingan portion sa 'You Gotta Lyric' kung saan naki-join pa sa kulitan-acting si Kapamilya actor Anthony Jennings, naku, na-zero ang mga guro. Kaya bumunot ng player na aabante sa final exam.

Si Teacher JR ang lucky player na nabunot para maglaro sa jackpot round. ‘Luck’ ba niya ay pasado, o babagsak siya sa isang libong papremyo?

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Mga teachers, ‘TAKOT’ DISIPLINAHIN ang mga estudyante? | It’s Showtime | Cheezmis