← Back to Home
VICE GANDA, naniniwalang dapat maging 'SHOWY' sa isang relasyon | It’s Showtime

VICE GANDA, naniniwalang dapat maging 'SHOWY' sa isang relasyon | It’s Showtime

VICE GANDA, naniniwalang dapat maging 'SHOWY' sa isang relasyon | It’s Showtime

🕒 5/22/2026, 2:36:17 PM265 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#WeWantShowtime#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Doy#Showy#Vhong Navarro#Jhong Hilario

Nagsimula sa react sa story at simpleng “kumain ka na?” Hanggang sa araw-araw mo nang hinihintay kung online na ba siya. Talking stage pa lang pero advanced na ang imahinasyon. Ikaw may wedding hashtag na, pero siya, hindi ka naman inaambisyon. Aray mo! Kapag gan'yan ang eksena, sabi nga ni Vice Ganda, mag-quit ka na!

Sa May 22 episode ng "It's Showtime" kung saan bumida sa 'Laro Laro Pick' game arena ang mga taga-Santa Quiteria, Caloocan City, nagbigay ng adVICE si Meme tungkol sa pag-ibig nang makausap si Player Anne, na para bang naluluha habang ikinukuwento ang love life. Naniniwala siyang si 'partner' na ang kan'yang forever, although hindi ito sweet sa salita, at si Anne pa ang madalas mag-"I love you.”

Hindi naman daw ito issue kay Anne dahil naniniwala siyang may iba't ibang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal. Pero iba ang pananaw ni Vice Ganda. Para sa kan'ya, kapag mahal mo, ipakita at iparamdam mo. "If that person doesn't show love and you don't see any more love, quit, get out, leave. Find someone who will show you some love," payo ng Unkabogable Superstar.

Kung si Anne ay hatid-sundo ang paboritong ginagawa sa kan'ya ng asawa, si Vice naman, pinakagusto 'yung sense of calm na nakukuha from her beloved Ion Perez. Sa ingay ng mundo ng showbiz, masaya si Meme na uuwi siya sa isang tahanan na tahimik at payapa, dahil si Ion ang kan'yang kalma.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
VICE GANDA, naniniwalang dapat maging 'SHOWY' sa isang relasyon | It’s Showtime | Cheezmis