Under attack ang "It's Showtime" studio, as in um-attack ang tawanan, good vibes at papremyo. Walang dapat ikabahala, dahil kung akala n'yo nagkakgulo, chaotic lang talaga ang
kulitan banda rito. Ganyan talaga, daming nangyayari kapag unscripted ang banter at unpredictable ang energy!
Si Vice Ganda, trip i-attack ang kagandahan ni Anne Curtis. Biro ni Meme, mas okay pa kung absent ang Dyosa para hindi nasasapawan ang beauty niya. "The world is unfair, mas mabait ang mundo sa mga mestiza at matatangos ang ilong," pabirong hugot ni Meme.
Pero hindi siya nakikipagbiruan kay 'Laro Laro Pick' player Irish ng Brgy. Tagamo, Sta. Rosa, Laguna. Nag-init ang ulo ni Meme sa mga sagutan ni Ate. Dapat kasi 'yung straight to the point, walang paligoy-ligoy, at may accountability. Kaya hirit ni Meme, kung paano humarap sa katanungan ang contestants sa game arena, dapat "'yung iba" ay marunong din magpaliwanang nang tama.
Ang tanungan, nauwi sa gulo na para bang they are "under attack." Ang layo na ng narating ng biruan, nauwi pa nga sa rambulan! Sina Vice at Jhong Hilario, nagkaroon ng debate na parang majority at minority kung sino ba sa kanila ang tama at mali. Matapos i-play ang VTR at nakita ang evidence, si Jhong, humingi ng paumanhin.
At hindi kumpleto ang drama kung walang "walk-out" moment. Si Meme, napa-mic drop at muntik pang lumabas ng studio dahil sa sinabi ni player Ulo. "Good luck" na lang daw sa taong nanakit sa kan'ya. Nakakatakot 'yan, sabi ni Meme, dahil ang "good luck" na 'yan ay maaaring babala, dahil totoo ang karma.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
