← Back to Home
TUMALIKOD KA NGA! Kim Chiu, kinumusta kung ‘NAGBAGO’ na ba si Gerald | It’s Showtime

TUMALIKOD KA NGA! Kim Chiu, kinumusta kung ‘NAGBAGO’ na ba si Gerald | It’s Showtime

Si Kim Chiu ang unang napa-‘awoo’! Sila at si Gerald, sa game arena pinagtagpo! Ang kumustahan, mukhang nauwi sa 'hot seat' dahil sa mga tanong ni Kim na super spicy, not too sweet. "Mabilis ka na mag-reply ngayon?" tanong ni Kim, na inusisa ang 'buhay call center' ni Gerald.

🕒 5/19/2026, 5:53:03 AM314 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Kim Chiu#Gerald#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#Amy Perez#Karylle#Ogie Alcasid#Kim Chiu#Darren Espanto#MC#Lassy#Ryan Bang#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Ion Perez#Cianne Dominguez#Its Showtime May 19 2026#Laro Laro Pick Showtime#Laro Laro Pick May 19 2026

They say ang mga multo sa gabi lang nagpaparamdam. Pero sa panahon ngayon, ang mga 'ghosters' walang pinipiling oras, bigla-bigla na lang mang-iiwan. Naku! Mabuti pa ang "It's Showtime" family, hindi nang-iiwan sa ere. Kaya sa episode na 'to, safe ang feelings mo, beshie!

Ang mga Madlang Players ng Central Bicutan na sumabak sa Laro Laro Pick game arena will make sure na hindi magiging multo lang ang P150,000 POT money.

Si Kim Chiu ang unang napa-‘awoo’! Sila at si Gerald, sa game arena pinagtagpo! Ang kumustahan, mukhang nauwi sa 'hot seat' dahil sa mga tanong ni Kim na super spicy, not too sweet. "Mabilis ka na mag-reply ngayon?" tanong ni Kim, na inusisa ang 'buhay call center' ni Gerald. Sample naman ng phone call d'yan! Kimmy, aktingan lang 'to! Kalmahan mo ang puso!

Mukhang si Kimmy ang bunot ng tadhana sa araw na 'to. Dahil sa usapang computer game, biglang nagparamdam ang memories ng ex-boyfriend, na hiniwalayan daw niya matapos siyang ipagpalit sa larong 'Dota.

Lover boy naman ang peg ni Olan B, na ipinagmalaki si 'esmi.' Wala kayo sa misis niya! Bukod sa sexy at maganda, matapang si misis dahil may dugong Waray... at pwedeng ihampas kahit kanino? Aray! Kung may multo na gugustuhin mong mag-hello, ito 'yung feeling na binabalikan mo ang love kung paano nabuo. Ang pag-iibigan nina player RJ at 'jowa' na si Sam, ipinagsigawan sa buong mundo!

At heto naman ang multo na hindi dapat ibaon sa limot. Ano na bang balita kay Alice Guo? 'Yan ang tanong ni Vice Ganda. Ano nga ba?! Pagdating naman sa aktingan round na 'You Gotta Lyric,' pati "It's Showtime" hosts ay na-challenge. Dapat ang delivery, nasa tamang timing para hindi maging multo ang punchline.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
TUMALIKOD KA NGA! Kim Chiu, kinumusta kung ‘NAGBAGO’ na ba si Gerald | It’s Showtime | Cheezmis