← Back to Home
May CHEMISTRY! Brent Manalo at Jackie Gonzaga, nagka-eksena sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

May CHEMISTRY! Brent Manalo at Jackie Gonzaga, nagka-eksena sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

May CHEMISTRY! Brent Manalo at Jackie Gonzaga, nagka-eksena sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

🕒 5/15/2026, 6:19:38 AM246 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeKomedya#Laro Laro Pick#Brent Manalo#Jackie Gonzaga#Vice Ganda#Ion Perez#Vhong Navarro#Kim Chiu#Darren Espanto

AKINSEyyy na, Madlang People! Happy sweldo sa mga tumanggap na ng fruit of their labor. Dito sa “It’s Showtime,” may pa-bonus na good vibes dahil deserve n’yo ang tumawa matapos ang isa linggo na naman ng trabaho’t pagsisikap.

Congrats! Na-survive n’yo ang petsa de peligro! Tanggapin mo ngayon ang ‘yong sweldo, at namnamin ang Fri-YAY na panalo. Ang naghatid ng bonus, walang iba kundi ang ‘other half’ ng “PBB Collab” Big Winner Duo, Brent Manalo, who’s embracing his new era bilang Lover Boy.

Sa Laro Laro Pick game arena, sumulong ang mga taga-Mandaluyong. Unang bumangka sa kuwentuhan si Elo, na expert sa pagpapaganda ng kuko. Dumadaan man sa existential crisis, na sabi ni Vice Ganda ay marahil epekto pa rin ng pandemic, kumakapit si Elo sa pag-ibig. Speaking of pandemic, sa mga panahong ‘yun nag-hello si ‘the one’ kay Elo. Pangarap ni Elo, makapagtayo ng negosyo. May tip si Meme kung paano sumakses ang business pero parang… mali?

Ang kulitan nauwi sa laro-larong barilan! Sina Meme at Ion, binalikan ang isang TikTok trend… kinulang nga lang sa timing! Eh, kung sina Kim Chiu at Anto, subukan natin! All-star cast naman ang aktingan sa pinakabagong paboritong round ng bayan, ang You Gotta Lyric. With special participation pa ni Brent, na nagpakita ng kilig chemistry with Jackie Gonzaga sa isang eksena.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
May CHEMISTRY! Brent Manalo at Jackie Gonzaga, nagka-eksena sa Laro Laro Pick | It’s Showtime | Cheezmis