← Back to Home
Vice Ganda, NAGULAT sa nasabi n’ya tungkol sa korapsyon | It’s Showtime

Vice Ganda, NAGULAT sa nasabi n’ya tungkol sa korapsyon | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 5/18/2026, 5:52:23 AM232 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#Amy Perez#Karylle#Ogie Alcasid#Kim Chiu#Darren Espanto#MC#Lassy#Ryan Bang#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Ion Perez#Cianne Dominguez#Its Showtime May 18 2026#Laro Laro Pick Showtime#Laro Laro Pick May 18 2026#Phlippine Government#

This summer season, goodbye na sa quizzes at recitation ang mga graduating students na nagmartsa sa 'Laro Laro Pick' game arena. Bago sila magsuot ng toga at makuha ang diploma, with high honors agad ang good vibes, tawanan at kulitan sa "It's Showtime."

Sa oras na siya'y maging empleyado, ang unang plataporma, este, plano ng future pulis na si Daniel, sibakin ang mga umaasa sa backer. Naku! Kinabahan si player Ken. Dahil kapag siya'y naging HR officer, ang kan'yang magiging tactic, i-hire ang mga tropang mag-a-apply 'matic'!

Handa na rin si Gav to conquer the real world, kahit alam niyang mahihirapan silang mga kabataan sa bagong takbo ng mundo. Hindi naman daw sinusukat ang pagkatao sa medalyang tinatanggap sa entablado. Pero, sabi nga ni Vice Ganda, hindi ibig sabihin na walang halaga ang kaalaman at edukasyon. Sa totoo lang, ngayon mas kailangang hubugin ang "dignity, integrity and intelligence."

Hindi kumpleto ang buhay kolehiyo kung hindi 'bumagsak,' as in na-fall ang puso. Congrats dahil 'graduate' na sa sakit si Jomel, na minsang nag-confess sa taong iniibig, ngunit "salamat" lang ang narinig. Pero kahit walang nakuhang sukli sa pagtingin na inilaan, nakatanggap naman siya ng malakas na palakpakan nang idaan ang nararamdaman sa isang beautiful interpretative dance.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.