← Back to Home
“WALA NA BA TALAGA?” Ryan, May planong umiyak sa concert ni Yeng?! | It’s Showtime

“WALA NA BA TALAGA?” Ryan, May planong umiyak sa concert ni Yeng?! | It’s Showtime

“WALA NA BA TALAGA?” Ryan, May planong umiyak sa concert ni Yeng?! | It’s Showtime

🕒 5/16/2026, 6:31:40 AM302 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#PambatoNgShowtime#Tawag Ng Tanghalan#TNT#TNT Regional#Yeng Constantino#Ryan Bang#Yeng Constantino concert#Byaheng Bente concert#Darren Espanto#Jackie Gonzaga#kissing scene#Vice Ganda#Teddy Corpuz

Lahat ng nakangiti ay pagpapalain sa araw na 'to. Kaya i-stretch ang mga labi para ma-attract ang blessings ngayong Sabado. It's the weekend, pero with the "It's Showtime" family, ang good vibes ay hindi mag-e-end.

Sa 'Laro Laro Pick' ay lumaban nang masigasig ang mga taga-Rosario, Pasig. Naniniwala sa kasabihang 'happy wife, happy life,' bitbit ni player Gigi ang laughter at kuwentuhan that feels light. Ipinakilala niya ang misis na always right. Basta si misis ay mapasaya, 'goals achieved' na rin si kuya. Pero si Vice Ganda, mukhang hindi makapaniwala na mahigit 20 ang naging girlfriends ni Gigi. Hanggang sa dumating si Rochelle, na sagot daw sa kan'yang prayers.

'Di ba tawanan lang? Bakit parang teary-eyed sina Jackie Gonzaga at Ryan Bang? Kapag usapang 'the one,' minsan hindi talaga ma-hide ang emotions, at ika'y mapapa-question, "Lord, kailan?"

But, no question naman sa husay ng "It's Showtime" hosts na sumabak sa aktingan sa 'You Gotta Lyric' round. Si Jackie, mukhang gustong bumawi ng kilig at muntik pang magka-kissing scene kay Darren Espanto. Grabe talaga ang chemistry ng DaCkie!

Cutie rin ang eksena nina Cianne Dominguez at Ryan. Ang lambingan, nauwi sa takutan! Pero wala nang mas nakakatakot pa sa feelings na nagmumulto. Awoo! Ang sabi, heto na nga, manonood ng concert ni Yeng Constantino sina Ryan at Vice Ganda. Kaya biro ni Meme, baka maiyak ang 'anak-anakan' niya, tapos mapatanong ng, "Wala na ba talaga?"

Well, hindi rin maka-move on ang manonood sa talento na ipinagmalaki ng mga taga-Cordillera Administrative Region na sumalang sa Regional Finals ng Tawag Ng Tanghalan, kung saan isa si Yeng sa mga umupong hurado kasama nina Nyoy Volante at Jonathan Manalo.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
“WALA NA BA TALAGA?” Ryan, May planong umiyak sa concert ni Yeng?! | It’s Showtime | Cheezmis