Lahat gusto nang magtampisaw at mag-enjoy nang todo sa dagat. Dahil sa init ng panahon, swimming ang nasa isip ng lahat. Pero kung may mga plano na hindi pa ma-tick off sa GC, tiwala lang, matutuloy rin 'yan balang araw. Dito sa "It's Showtime" muna makisaya for now.
As hot as the summer heat ang new look ni Donny Pangilinan. Nang gumiling at kumembot ang crush ng bayan, ang nasabi na lang ng Madlang People ay, "ohh la la!" Mas lalong tumaas ang temperatura! Kung naging marshmallow ka lang, siguradong matutunaw ka sa lakas ng kan'yang nag-aapoy na karisma.
Akala ni Anne Curtis, safe siya sa pang-aasar ng mga kasama. Pero walang nagawa ang Dyosa nang dalhin siya sa gitna ng entablado at pasayawin ng "Ohh La La Baby" at "Ikembot Mo."
Para naman sa iba, cold ang summer nights nila. Habang nakatanaw sa sunset, maraming naalalala tapos napapatanong ng, "kumusta na kaya siya?" Mas feel ang pagse-senti with the perfect sound trip. Ang kanta ng Ben&Ben para sa mga longing, tiyak ipe-play mo on repeat.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
