Lahat tayo’y tatanda, buhok ay puputi. Pero ang tawanan at pagmamahal, hindi mauubos, ito'y mananatili. Panahon man ay lumipas, sa mga magagandang ala-ala'y hindi makakatakas. Pero kung pagtakas sa problema ang kailangan, join na muna sa "It's Showtime" kuwentuhan. Ano, tara?
Ngipin man ay may kulang na, buo pa rin ang ngiti sa game arena ng mga Senior Citizens mula sa Paco, Manila. May 'Bellen' na sumasayaw! Kung kembutan ang usapan, never to say 'no' si nanay Bellen! Energetic ang lola n'yo! Siya'y tubong Bohol, kung saan matatagpuan ang sikat na Chocolate Hills. Ay, may naalala si Vice Ganda! 'Yung resort na itinayo noon sa gitna ng Chocolate Hills, sarado na ba?
Kung ang Bohol may Chocolate Hills, ang Paco naman ay may magandang simbahan na ipinagmamalaki ni tatay Bert. At syempre, ipinagmamalaki rin niya ang husay sa pagpapatawa ng paboritong "It's Showtime" host na si Vice Ganda. Sometimes good vibes is really the best maintenance. Basta napapanood si Meme, sapat na ang laughter to make tatay Bert feel better. Si tatay, ex-seaman, kaya biro ni Meme, malapit sa 'seahorse.'
Kung naalala ni Meme ang pa-swimming pool sa Chocolate Hills, ang pangalang Fermin, iniwasan niya na para bang may bad memories na ayaw ma-reminisce. Walang talab kahit ang magagandang ngiti ni tatay Fermin. "Hindi kami masyadong close," sabi ni Meme sa adorable lolo, sabay irap nang pabiro.
Bawal ang mataas ang dugo, kaya si Daddy-Yo, kumembot na lang nang lower and lower. Ang lugaw niya, sa Paco bestseller. Naramdaman ni Meme ang bigat ng pinagdadaanan ni tatay, na kailangan pa rin maghanapbuhay para sa gamutan ng asawang may Parkinson's Disease. Ang inspirasyon at kasiyahan na ibinigay niya, susuklian ng tulong ni Vice Ganda.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
