← Back to Home
'We keep it quiet': Vice Ganda, nahanap ang KAPAYAPAAN at KALMA sa piling ni Ion | It’s Showtime

'We keep it quiet': Vice Ganda, nahanap ang KAPAYAPAAN at KALMA sa piling ni Ion | It’s Showtime

'We keep it quiet': Vice Ganda, nahanap ang KAPAYAPAAN at KALMA sa piling ni Ion | It’s Showtime

🕒 5/22/2026, 6:59:06 AM257 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#WeWantShowtime#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Ion Perez#ViceIon#Kalma#Kapayapaan#Vhong Navarro#Jhong Hilario

Hindi lahat ng pag-ibig kailangang maingay at magulo. May mga pusong tahimik lang pero totoo. Parang hanging dumadampi sa gitna ng gabi, hindi man nakikita, pero ramdam palagi. Ganyan ang pakiramdam ni Vice Ganda sa piling ni Ion Perez. Sana all, 'di ba, bes?

Umikot sa pag-ibig ang usapan sa 'Laro Laro Pick' game arena, sa May 22 episode ng "It's Showtime" kasama ang Madlang Players na taga-Santa Quiteria, Caloocan City.

Nabanggit kasi ni player Doy, isang truck driver, na love language niya ang pagiging good provider. May iba't ibang mukha nga naman ang pag-ibig. At kapag mainit ang ulo ni misis, hindi niya sinasabayan ang inis.

Kung si Vice Ganda ang tatanungin, ang pinakagusto rin niya sa pagmamahal ay 'yung sense of calm na naibibigy ni Ion. Sa ingay ng mundo ng showbiz, masaya si Meme na uuwi siya sa isang tahanan na tahimik at payapa, dahil si Ion ang kan'yang kalma.

"Kung maingay ako in front of the camera, I'm just very silent and discreet in front of my husband. In our house, we keep the peace and harmony. We keep it quiet." pagbabahagi ni Vice. "Sa mundo namin sa labas, ang ingay. 'Pag tinuon namin 'yung atensyon namin sa labas, social media, ang ingay. Kaya dapat sa bahay namin tahimik."

"Ngumangawngaw ako sa iba," sabi ni Meme. "Pero 'pag nand'yan na [si Ion], siya ang kalma ko." 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
'We keep it quiet': Vice Ganda, nahanap ang KAPAYAPAAN at KALMA sa piling ni Ion | It’s Showtime | Cheezmis