Move on na, huwag maging loyal sa masakit na nakaraan. Hindi ka imbestigador para maghalungkat pa ng mga dahilan. Usad-usad din, baka ang totoong 'the one' ay nasa tabi mo na pala, ikaw lang ang busy kakahintay sa taong hindi na babalik pa. Pero kung gustong ma-move, press 'play' sa boses ni "The Man Who Can't Be Moved" singer, Danny O'Donoghue ng Irish rock band The Script.
Yup, bago pa man dumating ang concert na inaabangan ng fans, si Danny, sa "It's Showtime" stage muna nangharana. At nakipagkulitan pa sa "It's Showtime" family. Hindi nga problema ang language barrier dahil nakasabay siya sa mga banter! Nakipagtalikuran pa kay Jhong Hilario, na napa-“so tall! sana all” na lang sa height ng bisita.
Perfect sa FUNanghalian ang energy ni Danny, na para bang Pinoy at heart na dahil sa pagmamahal sa Filipino fans. Ano nga ba ang binabalik-balikan ng "The Script" frontman sa ating bayan? At sa mga nagtatanong kung single si Danny, sorry, married na, mga bhie! Biro ni Jhong, sayang, mukhang meron siyang irereto. Itago na lang natin sa pangalang Kim Chiu!
Hindi lang si Danny ang nagbabalik, dahil back on the "It's Showtime" stage rin ang Chief of OPM, Ogie Alcasid. Bilang pa-welcome party, pinasayaw si Ogie ng "Ohh La La Baby" at nasubukan ang versatility sa aktingan sa "Laro Laro Pick."
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
