It's the season of mapanakit na kilig with Donny Pangilinan and Belle Mariano a.k.a. DonBelle, na bumista sa "It's Showtime," sa May 26 episode para maghatid ng good news about their movie "Tayo Sa Wakas." Sila nga, as in silang dalawa ang magkasamang kumasa sa "Ohh La La Baby" dance challenge. Give na give ang mga kembot. Tapos may halong kilig na abot-lagit. Ooops! Bawal mainggit!
Kung together ang DonBelle, kumpleto rin ang 'quadro' ng "It's Showtime" this beautiful Tuesday FUNanghalian. In full force sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, at Vice Ganda sa Level 10 na paggiling!
Mga bayani ng lansangan, ang mga street sweepers ng Cainta, ang bumida sa 'Laro Laro Pick' game arena. Pagwawalis ang kanilang misyon. Ma-sweep kaya nila ang swerte at masungkit ang magandang pagkakataon?
Motto ng street sweepers, hindi lang sariling tahanan ang inaalagaan. Pati kapwa at paligid ay kasama sa pinahahalagahan. Kaya hirit ni Vice Ganda, nakakaloka na ang mga walang katapusang awayan. Peace and care na lang ang i-achieve natin, everyone!
Dito sa larong 'to, for fun lang ang asaran. Dahil in reality, saludo si Meme sa linis ng pagkatao ng mag street sweepers. Sila 'yung tipong magtitiis at magsasakripisyo kaysa pakainin ang pamilya ng galing sa masama. Si player Jo, pangarap pumaldo, pero mas pangarap niya ay mapagtapos ng pag-aaral ang mga anak.
Kinilala rin ng hosts si Bakulog, na ipinangalan sa kulog. He's a loving daddy na ang love language ay ipinagluto ang mga babies. Pangarap niya sa lamesa, beef kare-kare! Sagot na 'yan ni Meme! At hindi lang si Bakulog, kundi lahat ng players, may maiuuwing kare-kare for the family.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
