← Back to Home
KIM CHIU, tawang-tawa sa breakup scene niya | It’s Showtime

KIM CHIU, tawang-tawa sa breakup scene niya | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 5/25/2026, 5:54:45 AM244 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Kim Chiu#Kim Chiu Break up scene#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Jhong Hilario#Anne Curtis#Vhong Navarro#Amy Perez#Ogie Alcasid#Darren Espanto#Ryan Bang#Ion Perez#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#MC#Lassy#Showtime May 25 2026#Laro Laro Pick#Laro Laro Pick May 25 2026

Huwag nang tumulala at tumingin sa kawalan. Ayan ka na naman, expert sa hintayan! Remember, kapag may umalis, always merong better na kapalit, bes. Take it from Kim Chiu, na tinawanan lang ang 'breakup' sa May 25 episode ng "It's Showtime."

Sa segment na "Laro Laro Pick," bumida ang malulupit na players ng Sun Valley, Parañaque. Kasintaas ng sun ang energy, ayun, ang daming nangyari! Kinilala ng hosts si Mila, ang masipag na mommy raketera. Frozen goods ang ibinebenta. Araw 'to ni Mila! Dahil siya ang sole survivor sa "You Gotta Lyric" round, 'matic na siya ang naglaro sa final game.

Sa gitna ng kuwentuhan, si Vice Ganda, napagtulungan! Very wrong na naman siya sa mata nina Jhong Hilario at Vhong Navarro, kaya hirit niya, "Maling-mali si kabayo!" Pagdating sa aktingan portion na inaabangan ng buong nation, sina Kim at Vhong ang unang umeksena. Breakup scene ang nasa script, 'diba dapat masakit?! Pero sa halip na masaktan, si Kim, tumawa na lang!

Back on the "It's Showtime" stage rin ang Chief of OPM, Ogie Alcasid. Bilang pa-welcome party, nasubukan ang kan'yang versatility in his dream role na maging babae. Live acting 'to, mga bhie! Kaya for real din ang pagme-makeup ni Ogie, sabay quick change sa harap ng camera. "Ang hirap pala dito," pabirong reaksyon ni "Herminio."

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.