← Back to Home
Vice Ganda, PINALAYAS si player Jonalyn sa studio matapos MAWINDANG sa mga sagot nito

Vice Ganda, PINALAYAS si player Jonalyn sa studio matapos MAWINDANG sa mga sagot nito

Lahat na 'ata ay nabanggit ni Jonalyn—blackboard, bench, at ball pen—pero walang tumatama sa mga hula.

🕒 4/30/2026, 6:06:05 AM398 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Jonalyn#Laro Laro Pick Jonalyn#Kim Chiu Bawal Lumabas#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#Amy Perez#Karylle#Ogie Alcasid#Kim Chiu#Darren Espanto#MC#Lassy#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Ion Perez#Cianne Dominguez#Its Showtime April 30 2026#Laro Laro Pick Showtime#

It's the last day of April pero hindi matatapos ang pagbuhos ng swerte at good vibes sa "It's Showtime." Let's end the month on a high note kasama ang mga taga-San Jose Del Monte, Bulacan sa Laro Laro Pick.

Lahat ng challenges at games ay kayang-kaya nilang harapin. Dahil sila ay mga tubong Bulacan—hindi BulaCAN'T! Yes, they 'CAN' sa game arena. Yes, they 'CAN' sa game arena. Ganyan ang Pinoy, 'di ba? Walang inaatrasan at walang 'di kayang gawin. Best in diskerte—Noypi! Sabi nga ni Vice Ganda, hindi magugutom ang mga Pinoy dahil maraming alam na pagkakakitaan, katulad ni Goryo, na handicraft maker at rumaraket bilang farmer. Ang nakakalungkot lang, sa kabila ng diskarte ng mga Pilipino, kulang pa rin dahil ninanakawan at inaabuso.

Kung saludo si Meme Vice sa sipag ni Goryo, bilib din siya sa confidence ni Joshua. Ang sabi, biruan lang, pero 'yung hirit ni Joshua kay player Shena, parang may personal na pinaghuhugutan.

Napansin kasi ng hosts ang pagkakahawig ni Shena kay Kapamilya actress Belle Mariano. Dahil sa pambubuyo ng hosts, bumanat si Shena na mas pogi ang boyfriend niya kaysa kay Joshua. Sagot naman ng binata, aba, mas maganda rin ang kan'yang nobya. Benta kay Meme ang pagiging ‘patola’ ni Joshua, pagkatapos ay umawat ito at pumagitna dahil baka saan pa mapunta ang asaran ng dalawa.

Nag-init naman ang ulo ni Vice dahil sa nakawiwindang na eksena ng players sa 'It's Giving' round. May mga inihandang trivia questions kung saan ang mga sagot ay nagsisimula sa letrang 'B.' Tumapat kay Jonalyn ang tanong tungkol sa 'B' na tinutukoy ni Kim Chiu sa kantang, "Sa classroom may..."

Lahat na 'ata ay nabanggit ni Jonalyn—blackboard, bench, at ball pen—pero walang tumatama sa mga hula. Pabirong tinalakan ni Vice ang player at pinalabas ng studio. Pero hindi niya matatakasan ang presensya nito. Kagulo! Ang naubos na pasensya ni Meme, sinubok din ni April, na para bang sinisi pa siya dahil hindi narinig ang tanong.

"Kasalanan ko na hindi mo narinig?" talak ni Meme sa player. "Nasa likod mo 'yung monitor tapos sasabihin mong hindi mo naintindihan?"

Ang daming nangyari sa game arena. Pero ang pinaka-inabangan ay kung susugal ba si player Ikang sa jackpot round at maiuuwi ang P200,000.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, PINALAYAS si player Jonalyn sa studio matapos MAWINDANG sa mga sagot nito | Cheezmis