Sa gitna ng init ng araw, todo pa rin ang pagbabanat ng buto ng mga masisipag na Pilipino. Walang gustong sumuko. Pero hindi naman masamang magpahinga. Madlang People, break time muna at makisalo sa good vibes na inihain ng "It's Showtime" family.
For our appetizer, isang masarap na jamming kasama si 'Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak' champ Marko Rudio and his band. At kung feeling OA na sa hungry, mabubusog ka sa tawanan 'La Loma' kung kasama ang Madlang Players mula sa Lechon Capital of the Philippines. Mga taga-La Loma, bumida sa 'Laro Laro Pick' game arena.
It's Aries SZN kaya ready to slay si player Aries, ang expert sa pagluluto ng lechong baboy at baka. Simple lang naman daw ang buhay ni Aries, na hinangaan ng hosts sa pagiging mabait sa mapagmahal sa pamilya. Mas priority niya ang pagtulong sa mga mgulang at kapatid kaysa sa love life, although aminadong may parte rin sa puso niya na takot masaktan dahil sa karanasan ng mga kapwa niya 'beki.'
Bilang bahagi rin ng LGBTQ community, pinalakas nina MC at Lassy ang loob ni Aries. Payo nila, sana buksan nito ang puso para sa pag-ibig dahil ito ang pinakamasarap na feeling. Pabiro pang nag-volunteer si Lassy–handa naman daw siyang mahalin si Aries.
Napalaban naman ang Baby Dolls sa intense kembutan with player Kin, ang sweet daddy at hubby na TNVS driver. Kung astig siya sa kalsada, softie with swabeng pitik naman ang dance moves niya. Hobbie niya talaga ang pagsasayaw, at nakabuo pa ng dance group kasama ang mga kapwa drivers.
Delivery is life rin para kay Eizz, ang player na nakarating sa jackpot round. Currently single si kuya, pero mukhang pinana ni kupido nang makita si Jackie Gonzaga! Hindi makatingin sa mata! Eyes on the prize nga naman, mas dapat mag-focus sa pagpili kung susugalan ang P150k POT question o tatanggapin ang P25k Li-Pot offer.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
