← Back to Home
Anne, naiyak nang mapanood ang BINI sa Coachella 2026! | It’s Showtime

Anne, naiyak nang mapanood ang BINI sa Coachella 2026! | It’s Showtime

Anne, naiyak nang mapanood ang BINI sa Coachella 2026! | It’s Showtime

🕒 4/24/2026, 4:47:00 AM288 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeANNEnoTara#Anne Curtis#BINI#Coachella#BINIchella#Jhong Hilario#Vhong Navarro

Sabi nga sa isang meme, the Dyosa is return! Extra beautiful na naman ang kulitan dahil present ang nag-iisang Dyosa ng "It's Showtime" FUNanghalian, Anne Curtis, na sobra nating na-miss!

At sa kan'yang pagbabalik, energy niya ay hitik na hitik! Pinangunahan pa nga ni Anne ang kembutan kasama ang Madlang People, at nag-sample ng pangmalakasang dance moves.

She's radiant with summer glow, fresh from her Coachella 2026 experience. Ikinuwento ni Anne ang happy memories sa nasabing international music festival, kung saan todo suporta rin siya sa Nation's Girl Group, BINI.

"When I saw them perform lalo na lumabas ‘yung flag ng Pilipinas, umiyak ako. Sobra! Galing nila! Talagang itinayo nila ang bandera," kuwento ni Anne, pagkatapos ay binati sina Aiah, Colet, Gwen, Jhoanna, Maloi, Mikha, Sheena, at Stacey for marking a new global milestone bilang kauna-unahang Filipino group na nagtanghal sa Coachella.

Sakto ang pagpasok ni Anne dahil kung may mga 'liga ng baranggay' players sa Laro Laro Pick game arena, siya ang muse nila! Na-pressure tuloy si Vice Ganda, na nagpakulot ng buhok at nag-extra effort para mapantayan daw ang ganda ni Anne.

Naki-'liga' rin ang Kapamilya love team na sina Francine Diaz at Seth Fedelin. Relate si Seth sa mga kuwento ng players, lalo na sa part na nagpapasahan ng ice water, na pagdating sa dulo ng pila, parang umaalat na sa dila. Game naman na inirampa ni Francine ang jersey na pwede palang gawing bag.

Three points talaga ang kulitan kapag may espesyal na bisita, lalo pa't kumpleto ang 'quadro' nina Vice, Anne, Vhong Navarro, at Jhong Hilario.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Anne, naiyak nang mapanood ang BINI sa Coachella 2026! | It’s Showtime | Cheezmis