← Back to Home
Laroooo! Vice, inisipan ng bagong singers ang mga kanta sa ‘It’s Giving’ | It’s Showtime

Laroooo! Vice, inisipan ng bagong singers ang mga kanta sa ‘It’s Giving’ | It’s Showtime

Laroooo! Vice, inisipan ng bagong singers ang mga kanta sa 'It's Giving' | It’s Showtime

🕒 4/23/2026, 5:44:04 AM324 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimePickSummer#Laro Laro Pick#It’s Giving#Vice Ganda#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Teddy Corpuz

Hitik na naman sa bunga ang mga puno ng mangga, at iba pang favorite summer fruits ng mga Pinoy. Dito sa "It's Showtime," hitik na hitik rin ang good vibes. At hindi lang 'yan tuwing tag-init, kundi for all seasons!

Bumida sa 'Laro Laro Pick' game arena ang mga masisigasig na mamamayan ng Pinagbuhatan, Pasig. Hindi man present si Kim Chiu for today's video, pero naalala siya ni Vhong Navarro kay player Leo, na sa tingin niya ay mas slim pa kaysa sa Chinita Princess. Sinakyan naman ni Leo ang mga biruan, kahit deep inside ay may malungkot na pinagdadaanan bilang solo parent sa dalawang anak. Na-ghost daw siya ni ex-wife, na ang paalam ay bibisita lang sa probinsya pero hindi na bumalik at nagparamadam pa. Balita niya, may bago na itong ‘jowa’.

Simple lang ang kaligayahan ng kan'yang munting pamilya. Basta may pasalubong na tinapay, happy na ang dalawang bagets. Kaya promise ni Vice Ganda, may maiuuwing pasalubong si Leo, at dadagdagan pa niya ng manok mula sa ineendorsong fast-food chain.

Hindi nalalayo ang kuwento ni Mabel, na isang solo parent din. Nagkamali man siya sa pagpili ng lalaking mamahalin, ibinangon ni Mabel ang sarili hanggang makapagtapos ng kolehiyo. Payo naman sa kan'ya ni Meme, ikintal sa isip ng mga anak ang value ng excellence. Aniya, sa buhay, hindi lang tapang kundi husay ang kailangan. Dahil 'ika nga, ang bawat araw ay isang pagsusulit. Hindi ka papasa kung palagi kang 'petiks' o walang paghahanda.

Pagdating naman sa 'It's Giving' round, laugh trip ang pagsusulit tungkol sa original artists ng mga kantang nasa listahan. Trip ni Meme Vice na isipan ng bagong singers ang mga kanta! Sobrang relatable at witty, sasakit ang tiyan n'yo kakatawa, mga bhie.

Sa dulo, sino kaya sa mga taga-Pasig ang mananatiling nakatindig?

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Laroooo! Vice, inisipan ng bagong singers ang mga kanta sa ‘It’s Giving’ | It’s Showtime | Cheezmis