← Back to Home
TAMBUNTING represent! Vice at best friend na si Melvin, nag-reunion sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

TAMBUNTING represent! Vice at best friend na si Melvin, nag-reunion sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

TAMBUNTING represent! Vice at best friend na si Melvin, nag-reunion sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

🕒 4/22/2026, 6:32:39 AM390 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeLaroArawAraw#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Melvin#Tambunting#Bestfriend#Jhong Hilario#Vhong Navarro

Sa bawat kuwento at punchline na binibitawan, maaaninag ang mga karanasan sa lugar na kan'yang pinagmulan. Relatable ang mga patawa ng nag-iisang Vice Ganda dahil lahat 'yan ay inspired by true events, mga experiences sa kalye ng Tambunting, ang bahagi ng Tondo, Manila kung saan siya ipinanganak at lumaki.

At sa pahabol birthday celebration ni ‘Tutoy’ sa "It's Showtime," nag-reunion sila ng mga dating kapitbahay, na nagtipon-tipon sa 'Laro Laro Pick.'

Binalikan ni Vice ang good old childhood days niya bilang Tutoy, as she reunited with Melvin, ang first-ever best friend niya. Laugh trip ang catch-up kuwentuhan, na para bang maraming baon na revelations ang kan’yang OG kaibigan. Noon pa lang daw ay mapagbigay na si Vice. Magkakalaro sila sa basketball, at minsang nasira ang sapatos ni Melvin. Dahil may ekstrang pares ng sapatos naman si Vice, ibinigay niya ang isa kay Melvin para makapaglaro pa rin ito.

Nakumpleto ang original barkada ni Meme Vice. Bukod kay Melvin, naglaro rin sina Paul, Wilbert, Ivan, at Jon-Jon. Very touching naman ang sinabi ni Vice na kabilang ang mga kapitbahay niya sa humubog ng kan'yanng pagkatao, katulad ni Jon-Jon, na tinuruan siya kung paano maging generous. Kuwento ni Vice, sa unang suweldo ni Jon-Jon ay dinala siya nito sa paboritong restaurant ng tatay niya. Sa Tambunting din niya unang nakita ang kagandahan ng bayanihan at pagtutulungan. Tumatak sa kan'ya kahit ang simpleng 'palitan' ng ulam ng magkakapitbahay.

"Siguro malaking bahagi rin ng pagkatao ko ang nauunawaan kung ano 'yung kalagayan ng pangkaraniwang mamamayan kasi naranasan naming lahat 'yung nararanasan n'yo. Iniyakan namin lahat ng mga iniiyakan ninyo, itinawa rin namin ang mga ititinatawa ninyo," sabi ni Vice.

"Ipinagmamalaki ko talaga itong komunidad na 'to," dagdag niya. "Iba't ibang uri ng tao ang nakasalamuha ko habang lumalaki ako, and that made me who I am right now—kung paano ako lumakas, ano 'yung laman ng utak ko. 'Yung mga unang kuwento ng pakikipagkaibigan, sa kanila ko natutunan."

Ilan pa sa mga espesyal na bisita sa game arena ang isang ninang ni Vice Gana at mga kaibigan ng kan'yang mga kapatid at ina. Nasorpresa rin siyang makita si Mark, na bata pa raw noong umalis siya ng Tambunting.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.