← Back to Home
Kapitbahay ni Vice Ganda sa Tambunting, naiuwi ang jackPOT sa tulong ni Ion | It’s Showtime

Kapitbahay ni Vice Ganda sa Tambunting, naiuwi ang jackPOT sa tulong ni Ion | It’s Showtime

Kapitbahay ni Vice Ganda sa Tambunting, naiuwi ang jackPOT sa tulong ni Ion | It’s Showtime

🕒 4/22/2026, 7:08:44 AM487 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeLaroArawAraw#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Tambunting#jackpot#Ion Perez#Jhong Hilario#Vhong Navarro

Sa Tambunting, simple lang ang buhay pero kumikislap ang bayanihan at pagkakaibigan, na nagdudulot ng totoong kaligayahan.

Relatable ang mga patawa ng nag-iisang Vice Ganda dahil lahat 'yan ay inspired by true events, mga experiences sa kalye ng Tambunting, ang bahagi ng Tondo, Manila kung saan siya ipinanganak at lumaki.

At sa pahabol birthday celebration ni ‘Tutoy’ sa "It's Showtime," nag-reunion sila ng mga dating kapitbahay, na nagtipon-tipon sa 'Laro Laro Pick.'

Binalikan ni Vice ang good old childhood days niya bilang Tutoy, as she reunited with Melvin, ang first-ever best friend niya. Laugh trip ang catch-up kuwentuhan, na para bang maraming baon na revelations ang kan’yang OG kaibigan. Noon pa lang daw ay mapagbigay na si Vice. Magkakalaro sila sa basketball, at minsang nasira ang sapatos ni Melvin. Dahil may ekstrang pares ng sapatos naman si Vice, ibinigay niya ang isa kay Melvin para makapaglaro pa rin ito.

Nakumpleto ang original barkada ni Meme Vice. Bukod kay Melvin, naglaro rin sina Paul, Wilbert, Ivan, at Jon-Jon. Very touching naman ang sinabi ni Vice na kabilang ang mga kapitbahay niya sa humubog ng kan'yanng pagkatao, katulad ni Jon-Jon, na tinuruan siya kung paano maging generous. Kuwento ni Vice, sa unang suweldo ni Jon-Jon ay dinala siya nito sa paboritong restaurant ng tatay niya. Sa Tambunting din niya unang nakita ang kagandahan ng bayanihan at pagtutulungan. Tumatak sa kan'ya kahit ang simpleng 'palitan' ng ulam ng magkakapitbahay.

"Siguro malaking bahagi rin ng pagkatao ko ang nauunawaan kung ano 'yung kalagayan ng pangkaraniwang mamamayan kasi naranasan naming lahat 'yung nararanasan n'yo. Iniyakan namin lahat ng mga iniiyakan ninyo, itinawa rin namin ang mga ititinatawa ninyo," sabi ni Vice.

"Ipinagmamalaki ko talaga itong komunidad na 'to," dagdag niya. "Iba't ibang uri ng tao ang nakasalamuha ko habang lumalaki ako, and that made me who I am right now—kung paano ako lumakas, ano 'yung laman ng utak ko. 'Yung mga unang kuwento ng pakikipagkaibigan, sa kanila ko natutunan."

Ilan pa sa mga espesyal na bisita sa game arena ang isang ninang ni Vice Gana at mga kaibigan ng kan'yang mga kapatid at ina. Nasorpresa rin siyang makita si Mark, na bata pa raw noong umalis siya ng Tambunting.

Ipinakilala rin ni Vice sa mga kapitbahay ang partner na si Ion Perez. At para bang honorary member na siya ng Tambunting neighborhood, si Ion ang umabante sa jackpot round. Ang nabunot niyang lucky player ay si Precy, na kabisado pa ni Vice ang puwesto ng tirahan.

Dahil espesyal ang mga bisita, tinapangan ni Ion at sinugalan ang P100,000 POT question, na tungkol sa lumang serye ng Sexbomg Girls. Nasagot ni Ion ang tanong, kaya ang P100,000, naiuwi ni Precy. At dahil malapit sa puso ni Meme Vice ang players, nagbigay siya ng tig-5,000 sa lahat.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Kapitbahay ni Vice Ganda sa Tambunting, naiuwi ang jackPOT sa tulong ni Ion | It’s Showtime | Cheezmis