Sa pagdating ng mga beloved senior citizens sa 'Laro Laro Pick' game arena, sa April 27 episode ng "It's Showtime," bitbit nila ay mga aral at nakakatuwang kuwentong hinubog ng panahon.
Kinilala nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, at Anne Curtis si Tatay Dan, na nami-miss ang kalakasan niya noong kabataan. Kaya napaisip si Meme Vice tungkol sa mga takot at 'frustrations' niya sa pagtanda.
"'Yun ang nakakatakot sa pagtanda, 'yung gigising ka isang araw na marami kang dating ginagawa na hindi mo na magawa. Nakakalungkot siya... unti-unti ang linaw sa isip mo na, 'Ah, hindi na ako kasinlakas noon,'" sabi ni Vice. "Kahit ako, there was a time na-depress ako bakit iba na 'yung utak ko ngayon, ang bagal na niya. Hindi na katulad dati... Ngayon, nababagalan ako. Nakaka-frustrate lalo na kung 'yung bagay na 'yun ay mahal na mahal mong ginagawa. Kunwari, dancer ka tapos hindi ka makakapagsayaw na..."
Kahit alam natin na lahat ng tao ay tatanda, marahil walang sinuman ang magiging handa sa pagdating nito. Na-touch din ang Madlang People sa sinabi ni Vice na kahit maubos man ang ating lakas, ang mahalaga ay hindi maubos ang mga taong nagmamahal sa atin. Dagdag ni Anne, kahit nakaka-frustrate man minsan na hindi na maibabalik ang dati, huwag kalimutan sa puso kung gaano kaganda at katamis ang nakaraan.
Matamis din ang ginintuang love story ni Tata Romy. Kahit limang dekada na ang lumilipas, ang pag-iibigan nila ni misis ay hindi kumukupas. Payo niya sa mga kabataan, huwag magpadalos-dalos at pag-isipang mabuti ang pagpili ng taong makakasama forever, lalo na sa hirap ng buhay ngayon.
Hindi rin nagpadalos-dalos ang mga seniors sa laro. Sino kaya sa mga bisitang lola’t lolo ang pumaldo?
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
