← Back to Home
Anne, DISMAYADO sa pangit na public transportation sa bansa | It’s Showtime

Anne, DISMAYADO sa pangit na public transportation sa bansa | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 4/27/2026, 5:26:13 AM378 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#Amy Perez#Karylle#Ogie Alcasid#Kim Chiu#Darren Espanto#MC#Lassy#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Ion Perez#Cianne Dominguez#Its Showtime April 27 2026#Philippine Government#Public Transportation#Anne Curtis Public Transportation

Dahil kumpleto ang QUADRO nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, at Anne Curtis, QUALITY ang banter at tawanan sa "It's Showtime," nitong Lunes, April 27.

Pero hindi lang kulitan at good vibes ang dapat quality. Dapat, pati pamumuhay ng mga Pilipino ay quality rin. But, sadly, that's not our reality. Sabi nga ni Vice Ganda, sa panahon ngayon, lahat pantay-pantay dahil walang hindi umaaray sa hirap ng buhay. Maging ang tulad nilang mga artista ay nag-a-adjust din sa pagtaas ng presyo ng gasolina.

Dagdag na komento ni Anne, mas mabuti na sana ang maglakad o mag-commute na lang, 'yun nga lang ay nakakadismaya maging ang kalidad ng transport system sa Pilipinas. “Alam mo, gugustuhin natin lahat na mag-public transpo kung maganda ‘yung public transpo natin," sabi ni Anne. Sa kabila nito, nangangarap pa rin siyang darating ang araw na maaayos din ang problema ng Pilipinas sa transportasyon at mga kalsada.

Nasundan pa ang 'reflections' ng hosts nang makipagkuwentuhan sa mga bisitang senior citizens sa 'Laro Laro Pick' game arena. Kinilala nila si Tatay Dan, na nami-miss ang kalakasan niya noong kabataan. Kaya napaisip si Meme Vice tungkol sa mga takot at 'frustrations' niya sa pagtanda.

"'Yun ang nakakatakot sa pagtanda, 'yung gigising ka isang araw na marami kang dating ginagawa na hindi mo na magawa. Nakakalungkot siya... unti-unti ang linaw sa isip mo na, 'Ah, hindi na ako kasinlakas noon,'" sabi ni Vice. "Kahit ako, there was a time na-depress ako bakit iba na 'yung utak ko ngayon, ang bagal na niya. Hindi na katulad dati... Ngayon, nababagalan ako. Nakaka-frustrate lalo na kung 'yung bagay na 'yun ay mahal na mahal mong ginagawa. Kunwari, dancer ka tapos hindi ka makakapagsayaw na..."

Kahit alam natin na lahat ng tao ay tatanda, marahil walang sinuman ang magiging handa sa pagdating nito. Na-touch din ang Madlang People sa sinabi ni Vice na kahit maubos man ang ating lakas, ang mahalaga ay hindi maubos ang mga taong nagmamahal sa atin. Dagdag ni Anne, kahit nakaka-frustrate man minsan na hindi na maibabalik ang dati, huwag kalimutan sa puso kung gaano kaganda at katamis ang nakaraan.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Anne, DISMAYADO sa pangit na public transportation sa bansa | It’s Showtime | Cheezmis