Summer is summer-ing! Dagat is calling, pero ang plano ng tropa still drawing. Buti na lang dito sa "It's Showtime," tuloy-tuloy lang ang bonding, 'yung chill na may kasamang laughter. At ang simpleng kuwentuhan at kulitan, nagiging core memory in the making.
Sa gitna ng init, may reyna na umaapoy ang dating. Si Marina Summers, rumamapa at nag-perform, kaya ang 'Showtime' stage ay burning! Hotter than the heat ang pasabog ng drag queen na ipinarinig ang single niya titled "EABAB." Ohh la la! Nag-aalab!
Sa 'Laro Laro Pick' game arena naman muna ang summer outing ng mga taga-Tipas, Taguig. Agaw-eksena ang pangalan ni player Pango—para bang tinamaan si Vhong Navarro. Sinakyan na rin ni Vice Ganda ang biruan at ang mga ilong nina Vhong at Pango, napag-trip-an. Pati ang ilong ni player Gin, ginawang doorbell. Pero bakit ang tunog, paurong, imbes na ding dong?
Naging seryoso naman ang kuwentuhan ng hosts at ni player Weng, ang dakilang 'yaya' na always napapamahal sa mga batang binabantayan niya. Halos anak na rin ang turing niya sa batang inaalagaan na nakatira sa kan’yang tahanan. Pero tanggap niya na darating ang araw, mawawalay sa kanya ang batang inalagaan at minahal.
Pagmamahal din ang nagtulak kay player JR, isang motorcycle taxi driver, na sugalan ang P150,000 Pot question, at tanggihan ang P25,000 Li-Pot offer sa jackpot round. Para sa asawa't mga anak, tinapangan ni JR ang pagpili. Who knows? Baka maging mabait sa kan'ya ang destiny at ipagkaloob ang Pot money.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
