← Back to Home
Vice Ganda, nagulat sa PAGPATOL ni Joshua sa isang player | It’s Showtime

Vice Ganda, nagulat sa PAGPATOL ni Joshua sa isang player | It’s Showtime

Dahil sa pambubuyo ng hosts, bumanat si Shena na mas pogi ang boyfriend niya kaysa kay Joshua. Sagot naman ng binata, aba, mas maganda rin ang kan'yang nobya. Benta kay Meme ang pagiging ‘patola’ ni Joshua, pagkatapos ay umawat ito at pumagitna dahil baka saan pa mapunta ang asaran ng dalawa.

🕒 4/30/2026, 5:46:55 AM239 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#Amy Perez#Karylle#Ogie Alcasid#Kim Chiu#Darren Espanto#MC#Lassy#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Ion Perez#Cianne Dominguez#Its Showtime April 30 2026#Laro Laro Pick Showtime#Joshua

Mainit ba outside? Sa loob ng "It's Showtime" studio, ang excitement at good vibes ay hindi ma-hide dahil mainit din na pinaglalabanan ang papremyong umabot na ng P200,000 sa Laro Laro Pick.

Lahat ng challenges at games ay kayang-kaya nilang harapin. Dahil sila ay mga tubong San Jose Del Monte, Bulacan—hindi BulaCAN'T! Yes, they 'CAN' sa game arena. Ganyan ang Pinoy, 'di ba? Walang inaatrasan at walang 'di kayang gawin. Best in diskerte—Noypi! Sabi nga ni Vice Ganda, hindi magugutom ang mga Pinoy dahil maraming alam na pagkakakitaan, katulad ni Goryo, na handicraft maker at rumaraket bilang farmer. Ang nakakalungkot lang, sa kabila ng diskarte ng mga Pilipino, kulang pa rin dahil ninanakawan at inaabuso.

Kung saludo si Meme Vice sa sipag ni Goryo, bilib din siya sa confidence ni Joshua. Ang sabi, biruan lang, pero 'yung hirit ni Joshua kay player Shena, parang may personal na pinaghuhugutan.

Napansin kasi ng hosts ang pagkakahawig ni Shena kay Kapamilya actress Belle Mariano. Dahil sa pambubuyo ng hosts, bumanat si Shena na mas pogi ang boyfriend niya kaysa kay Joshua. Sagot naman ng binata, aba, mas maganda rin ang kan'yang nobya. Benta kay Meme ang pagiging ‘patola’ ni Joshua, pagkatapos ay umawat ito at pumagitna dahil baka saan pa mapunta ang asaran ng dalawa.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.