It's the weekend, Madlang People! Eh, 'di congrats sa mga may time na para magpahinga at matulog nang mas mahaba. And you know the drill, mas kumpleto ang weekend bonding kapag "It's Showtime" family ay kapiling.
Naki-join nga sa Sabado kulitan ang veteran thespians na sina Boots Anson-Roa at Charo Santos, kasama pa ang isa naman sa pinakamahuhusay na aktres ng kanyang henerasyon, Barbie Forteza. May mga baong kuwento ang tatlo tungkol sa kanilang bagong proyekto.
At si Ma'am Charo, may baon din na hinanakit kay Vice Ganda? Nagtatampo umano ang "Maalaala Mo Kaya" host dahil hindi siya ikina-cast sa mga pelikula ni Meme. Sinakyan naman ni Vice ang tampo ni Charo, at idinamay pa ang kaibigan na si Jhong Hilario.
Pagkatapos mag-promote ng pelikula, nag-enjoy ang tatlo sa 'Laro Laro Pick' game arena kasama ang mga residente ng Western Bicutan, Taguig.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
