Sa ‘It’s Showtime’ Laro Laro Pick game arena, mga taga-'Etivac' naman ang sumabak. Sinasabing lugar ito ng matatapang, no wonder na ang mga residente ng Dasmariñas, ang pinakamalaking city sa Cavite, ay buong tapang na sumugal sa kanilang swerte.
Kinilala ng hosts si Amihan, na hiniram ang pangalan ng sinasabing kahawig niyang si Iza Calzado. Si Iza ang peg niya sa mga gay beauty pageants. At para i-flex ang awrahan n’yang nakaka-reyna, nag-sample si Amihan ng pangmalakasang intro. Kaso muntik magkabungin dito! Hindi Dasmariñas kundi ibang lugar ang nabanggit na nire-represent ni Amihan, na para bang isa siyang flying voter sa botohan. Atecco, ano ang katotohanan?!
Lalabas din talaga ang tapang mo kapag nakaharap mo si 'ex' o kahit 'yung kamukha lang at kapangalan niya. Ehem, ehem, si Kim Chiu, parang may iniiwasan, narinig lang ang 'Jorald' na pangalan. Hindi man diretsahang sabihin ng mga 'kuys' pero gets natin na trip siyang asarin nina Jhong Hilario at Vhong Navarro dahil sa pangalang 'Jorald,' na tunog Gerald [Anderson], ang ex-boyfriend at loveteam partner ng aktres.
"Napaka-OA," reaksyon ni Chinita Princess. "Heto ako, oh! Hello, Jorald ah!" Game naman pala si Kimmy! At para i-test ang chemistry, kumasa si Kim sa isang aktingan with Jorald, na isang ahente ng motor. Ang eksena, bebentahan ni Jorald ng motor si Kim na naghahanap ng something "comfy, safe, and secure."
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
