← Back to Home
Gaano ka-ALL OUT si Kim Chiu sa pagbibigay ng pagmamahal? | It’s Showtime

Gaano ka-ALL OUT si Kim Chiu sa pagbibigay ng pagmamahal? | It’s Showtime

Gaano ka-ALL OUT si Kim Chiu sa pagbibigay ng pagmamahal? | It’s Showtime

🕒 2/19/2026, 5:25:06 AM224 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#HelloYouShowtime#Kim Chiu#all out#pagmamahal#Vhong Navarro#Jackie Gonzaga#Teddy Corpuz

Everyday is Valentine's kasama ang 'It's Showtime' family dahil full of love and nakaka-good vibes na lambing ang hatid nilang bonding. 

Sa February 19 episode, binalikan nina Vhong Navarro at Kim Chiu ang nakakatuwang instant dating game na naganap sa nakaraang episode ng 'Laro Laro Pick' featuring senior citizens, na Gen Zs at heart ang feeling at nag-enjoy sa matchmaking. 

Kaya naitanong ni Vhong kung ano naman ang pipiliin ni Kim ngayon pagdating sa pag-ibig. Sagot ng Chinita Princess, "Ang gusto ko lamang talaga ay 'yung mahal ako." Dahil kapag siya ang nagmahal ay sinusuklian niya rin ito nang buong puso. "Grabe ako magmahal," sabi ni Kim. "Gusto ko talaga I give my all para wala akong pagsisihan sakaling mawala siya."

"Gusto ko rin na, this time, mahal naman ako nang sobra," dagdag ng ‘The Alibi’ star. Pinayuhan naman siya ng kan'yang 'kuya' Vhong na mahalin din ang sarili. 

Pati si Jackie Gonzaga ay napahugot at sumagot, "Siguro hinahanap ko 'yung tao na sa paningin niya ako lang 'yung nag-iisa, walang katumbas." Paliwanag ni Ate Girl, "Kasi maraming tao na hihigit pa sa'yo pero doon sa tamang tao, number one ka at wala nang hihigit pa." Ahhh. 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.