Ngayong Year of the Fire Horse, sana'y sumipa ang swerte sa buhay nating lahat. Let’s celebrate para para luck ay ma-attract!
Isang cheerful na 'maligayang kaarawan' para sa nag-iisang Dyosa ng kagandahan. Birthday ni Anne Curtis! Anne, pa-pansit ka naman with lots of cheese! At, biro nga ng Showtime fam, kaway-kaway sa mga OFWs na nag-uwian for this special day. IYKYK.
Bago magsimula ang 'Tawag Ng Tanghalan' segment sa February 17 episode ng 'It's Showtime,' binati si Anne ng kanyang mga kasamahan, sa pangunguna ni Vice Ganda. Simple lang ang naging selebrasyon sa nasabing episode pero ramdam ang kaligayahan sa mga mata ni Anne, "My birthday is complete that I get to see you, guys, and Madlang People.
Ibinahagi rin ng aktres ang kanyang birthday wish. "I know super cliché siya, but just to have a healthy life... for all of us." Dagdag niya, "I've come to realize how important it is talaga to be healthy, not only us, but our loved ones." For the first time ay isinama rin ni Anne ang anak na si Dahlia sa 'It's Showtime' studio.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
