← Back to Home
Vice Ganda, may hugot sa mga ‘best friend na ahas’ | It’s Showtime

Vice Ganda, may hugot sa mga ‘best friend na ahas’ | It’s Showtime

Dagdag ni Meme Vice, "May mga taong isang tingin mo pa lang, 'Ay, mapagkakatiwalaan ito.' At may mga taong ang tagal mo nang kasama pero hindi mo pa rin mapagkatiwalaan."

🕒 2/16/2026, 5:08:54 AM220 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Vice Ganda Hugot#Vice Ganda Hugot best friend#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#teddy#Jugs#Ion Perez#Amy Perez#Ogie Alcasid#Cianne Dominguez#Kim Chiu#Darren Espanto#Jackie Gonzaga#MC#Lassy#Showtime Feburary 16 2026#

Pagkatapos ng tamis-tamisang mga eksena nitong Valentine's Day, mag-ingat sa mga 'bitter' sa tabi-tabi.

Sa February 16 episode ng "It's Showtime," kinilala nina Vice Ganda, Jhong Hilario, at Vhong Navarro si Mario, isa sa mga residente ng Bangkal, Makati na sumalang sa 'Laro Laro Pick’ segment.

Nalaman nila na isa itong kasambahay at solo parent. Kahit 'napagkatuwaan' nila ang cute smile ni Mario at biniro-biro ang player, naramdaman ni Vice na mapagkakatiwalaan ito. Kaya payo ni Meme kay Mario ay huwag mainip dahil darating din ang magmamahal sa kanya nang buo.

"Ako nga, ngayon lang kita nakilala pero parang mahal na kita," sabi ni Meme. "Ang gaan ng loob ko rito sa taong ito. Hindi mo makikita sa kan'ya 'yung nakikita mo sa iba pero meron kang isang bagay na mararamdaman at makikita sa kan'ya na wala sa nakararami."

Dagdag ni Meme Vice, "May mga taong isang tingin mo pa lang, 'Ay, mapagkakatiwalaan ito.' At may mga taong ang tagal mo nang kasama pero hindi mo pa rin mapagkatiwalaan."

"'Yung best friend mo nga, you've been with them all your life pero inahas ka pa rin." Ang sakit at pait naman no'n, Meme!

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, may hugot sa mga ‘best friend na ahas’ | It’s Showtime | Cheezmis