Edad man nila'y mahigit 60 na, pero feeling young pa rin ang mga puso nilang hindi nawawalan ng pag-asa. Ang mga mahal nating lolo't lola, nakisaya sa 'Laro Laro Pick' game arena sa February 18 episode ng 'It's Showtime.'
Huwag kalimutan, laughter is also the best maintenance! Naaliw ang mga bisita sa studio nang ang 'Laro Laro Pick' ay maging 'Step in the Name of Love' na para bang dating game show. Kahit senior na sa ID, ang puso naman ni Tatay Gil ay pang Gen Z! Bilang nag-iisang biyudo sa grupo, siya ang hinanapan ni Vice Ganda ng kapareha sa mga nakapilang siyam na biyuda.
Ang mga lola, forda slay sa pag-awra! Kanya-kanyang paandar nang magpakilala, para nga naman puso ni Gil ay mabihag nila. Merong mas bet humalik ang lalaking walang ngipin, meron din namang 'maginoo pero medyo bastos' ang gustong ibigin. Ay, ang mga lola, nakakaaliw ang makukulit na hirit! At sa huli, mukhang umangat sa lahat ang binibini at heart na si Marie.
Kinilala rin ng hosts si tatay Edgardo, na ang mga ngiti't tawa ay nakakahawa. Ganyan nga! 'Di ba, tay, idadaan lang sa positivity ang mga pagsubok sa buhay!
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
