← Back to Home
Vice Ganda, sinubukan ang pagiging supportive ng asawa ni Mamsh | It’s Showtime

Vice Ganda, sinubukan ang pagiging supportive ng asawa ni Mamsh | It’s Showtime

Vice Ganda, sinubukan ang pagiging supportive ng asawa ni Mamsh | It’s Showtime

🕒 2/19/2026, 6:26:05 AM259 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#HelloYouShowtime#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Mamsh#supportive#asawa#Kim Chiu#Vhong Navarro

Mula San Isidro, Paranaque, dumayo ang madlang players sa 'Laro Laro Pick' game arena para subukan ang swerte nila, sa February 19 episode ng 'It's Showtime.'

Agaw-eksena ang 'quality' dance moves ni Mamsh, with matching split pa! Pangarap daw talaga niyang maging dancer sa TV, kaya sinubukan ni Vice Ganda ang skill niya sa dance floor. Todo kung todo ang galawan ni Mamsh dahil suportado siya ni mister, na sinamahan pa siya sa studio. 

Tanong ni Vice Ganda sa mister ni Mamsh, "Paano kung gustong bumalik ni Mamsh sa pagsasayaw, susuportahan mo ba siya?" Sagot ni hubby, "Hundred percent po!" Natuwa si Vice sa pagiging supportive ng asawa ni Mamsh, kahit parang naging comedy ang eksena sa mga hirit niya tungkol sa pagbabawal ng mga mister na sumayaw ang kanilang misis. 

Samantala, napahugot naman si Kim Chiu tungkol sa pag-ibig na kan’yang hinahanap. Naitanong kasi ni Vhong Navarro kung ano ang gusto ni Kim ngayon pagdating sa pag-ibig. Sagot ng Chinita Princess, "Ang gusto ko lamang talaga ay 'yung mahal ako." Dahil kapag siya ang nagmahal ay sinusuklian niya rin ito nang buong puso. "Grabe ako magmahal," sabi ni Kim. "Gusto ko talaga I give my all para wala akong pagsisihan sakaling mawala siya."

"Gusto ko rin na, this time, mahal naman ako nang sobra," dagdag ng ‘The Alibi’ star. Pinayuhan naman siya ng kan'yang 'kuya' Vhong na mahalin din ang sarili. 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, sinubukan ang pagiging supportive ng asawa ni Mamsh | It’s Showtime | Cheezmis