← Back to Home
Donita Rose, sinuportahan ang kanyang asawa sa Tawag Ng Tanghalan | It’s Showtime

Donita Rose, sinuportahan ang kanyang asawa sa Tawag Ng Tanghalan | It’s Showtime

Donita Rose, sinuportahan ang kanyang asawa sa Tawag Ng Tanghalan | It’s Showtime

🕒 2/19/2026, 6:52:50 AM359 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#HelloYouShowtime#Tawag Ng Tanghalan#TNT#Donita Rose#Vice Ganda#Jhong Hilario#Amy Perez#Darren Espanto#MC Muah

Full of surprises ang Thursday round ng Region 4 battle sa ika-10 taon ng 'Tawag Ng Tanghalan’ sa ‘It’s Showtime.’

Unang lumaban ang music lover from Dasmarinas, Cavite na si Felson Palad, singing James Ingram's "One Hundred Ways." Bagama't nabilangan nang isang beses ni Punong Hurado Louie Ocampo, looking and sounding inspired si Felson sa entablado dahil kasama niya ang number one cheerleader, ang aktres at kanyang misis na si Donita Rose. 

Isang pleasant surprise ang appearance ni Donita sa "It's Showtime." Hindi naman pinalampas ni Vice Ganda ang pagkakataon na alamin ang love story ng dalawa. Ibinahagi ni Felson na paborito niyang VJ si Donita noon, "May poster pa ako n'yan," at nagkakilala sila sa United States.

"Nagkakilala kami kasi nag-volunteer ako sa isang missionary sa States as a driver. Tapos ime-meet namin 'yung mga artista, kasama si Ruby Rodriguez. Kinuha ko 'yung number [ni Donita], in-ask ko siya mag-date pero sabi niya ayaw niya mag-date."

Dahil alam niyang busy si Donita, gumawa si Felson ng paraan upang matuloy ang hinihiling niyang date, "Nagdala ako ng gitara." Dinala niya si Donita sa isang residential care facility para sa mga matatanda kung saan siya madalas kumakanta, at doon niya hinarana ang aktres. 

Dagdag ni Felson, hindi siya nakaramdam ng intimidation kahit ang pinopormahan niya ay isa sa pinakamagagandang mukha sa Philippine showbiz. Aniya, napakasimple at humble kasi ni Donita. Para naman kay Donita, na-in love siya hindi lang sa mukha ng asawa kundi sa mas 'pogi' nitong puso. 

Naibahagi rin ni Donita na hindi siya nagdalawang-isip na payagan si Felson na sumali sa 'Tawag Ng Tanghalan,' na inilarawan niya bilang pinakamalaking singing competition sa bansa. "I just feel confident that what matters most is pangarap niya ito at nandito ako para sumuporta."

Samantala, nagkatuwaan ang grupo nang balikan ni Donita ang pagiging 'worst singer' niya sa Pilipinas. Ang biruan nila, siya ang naunang 'worst singer' kaysa kay Anne Curtis, kaya kung may pagkakataon ay gusto niyang maka-collab ang Dyosa sa concert stage. 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Donita Rose, sinuportahan ang kanyang asawa sa Tawag Ng Tanghalan | It’s Showtime | Cheezmis