Makibaka at huwag matakot tumalak! Isigaw ang nararamdaman at iparinig ang boses. Huwag mag-atubili dahil ang 'yong tinig ay may silbi. Katulad ng tatlong Miss Q and A candidates ng "It's Showtime" na hindi afraid ‘chumukchak’ as they return para rumesbak.
Sa Resbakulawan Day 3, hindi nagpatumpik-tumpik pa sina Misis Jawo, Raux Araneta, at Cyrich Abril Patalinhug Castillo sa unang round na Wit Lang, kung saan agad silang sumabak sa mga pageant questions.
Sa tanong na kung alin ang pipiliin niya, ‘yung hindi mapakain o ‘yung hindi masipilyo, kung siya'y magiging bibig, sagot ni Misis Jawo ay mas okay na 'yung hindi masipilyo, dahil ang pagkain ay kailangan ng tao. Tandaan, dapat walang batang nagugutom.
Nabunot naman ni Raux ang tanong na, "Anong mas gusto mo? Pogi jowa mo pero chaka ka, o chaka jowa mo pero pretty ka?" Nagpakatotoo si Raux sa sagot na mas gusto niya ng jowang pogi kahit siya ay pangit dahil ibig sabihin nito ay tinanggap ng kasintahan niya ang kanyang panlabas na kaanyuan.
"Kung tenga ka, saan ka mas maba-badtrip? Sa bumulong nang malakas o sa bumulong na bad breath?" naman ang tanong na nabunot ni Cyrich. Naniniwala siyang "the true essence of humanity is kindness" kaya hindi niya huhusgahan ang taong may bad breath dahil hindi niya alam ang dahilan ng mabahong hininga nito, kaya naman mas magagalit siya sa bumulong nang malakas.
Sina Misis Jawo at Cyrich ang pumasok sa next round, Beklamation, kung saan hinarap nila ang iisang tanong na, "Kung ang kaibigan mong may matagal ng utang sa'yo na hindi binayaran ay muling lumapit para mangutang dahil sa isang emergency, pauutangin mo ba?"
Samantala, habang hinihintay ang grado mula sa mga hurado, sinubukan nina Vhong Navarro, Vice Ganda, at Jhong Hilario na sagutin ang tanong. Kung sina Vhong at Jhong ay magpapautang, nagpakatotoo naman si Vice, na sinabing mas ine-encourage niya ang mga kaibigan na mag-ipon at maghanda para sa mga emergency. Pero mas gusto umano niyang magbigay kaysa magpautang.
Si Misis Jawo ang kinoronahan sa Day 3 ng Miss Q and A Resbakulawan.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
