← Back to Home
Barbie Bratz, tumatak ang talak sa kanyang pagbabalik sa ‘RESBAKULAWAN’

Barbie Bratz, tumatak ang talak sa kanyang pagbabalik sa ‘RESBAKULAWAN’

Ang Top 2 na sina Lucky at Barbie ay muling nag-face off sa Beklamation kung saan nasubok ang kanilang talak sa tanong na, "Okay lang ba sa'yo kapag jinowa ng best friend mo ang ex mo?"

🕒 7/20/2026, 6:15:59 AM317 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Barbie Bratz#Miss Q&A Barbie Bratz#RESBAKulawan#It's Showtime#Showtime#Jhong Hilario#Vice Ganda#MC#Anne Curtis#Vhong Navarro#Amy Perez#Kim Chiu#Ogie Alcasid#Ion Perez#Darren Espanto#Ryan Bang#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Lassy#Showtime July 20 2026#Miss Q&A July 20 2026

When the universe surprises you with a second chance, grab it with pride. Kaya ang mga Miss Q and A candidates na ipinatawag sa kauna-unahang wildcard round of the season, nagbabalik with wit and confidence na hindi ma-hide. Level up na ang talakan sa unang Resbakulawan! 

Move, give way dahil ready na to slay sina Lucky Collins, Barbie Bratz Ayuda, at Eysi Vigo sa "It's Showtime" entablado. Dahil Resbakulawan, diretso nang sumalang ang tatlo sa Wit Lang round kung saan nasubok agad ang kanilag talino at creativity.  

Huling-huli ni Lucky ang paghanga ng buong nation as she answered the  question, "Payag ka na ikaw ang pinakamaganda sa Earth pero lahat kami nasa Mars?" She believes na wala nang silbi ang ganda niya kung wala namang makakakita. Beauty fades, 'ika nga, pero ang koneksyon niya sa ibang tao ay mas mahalaga. 

Sa tanong naman na, "Ano ang mas masasakit? Yung hindi ka maging sapat o matalo ka sa Pot o Li-Pot?" naniniwala si Barbie na mas masakit ang hindi maging sapat dahil buong puso ang ibinibigay niya sa ibang tao, hindi katulad ng Pot o Li-Pot na laro lamang. 

"Anong mararamdaman mo kung kinain ng zombie lahat ng classmates mo maliban sayo?" 'yan naman ang natapat kay Eysi, na sinabing masasaktan at malulungkot siya. 

Ang Top 2 na sina Lucky at Barbie ay muling nag-face off sa Beklamation kung saan nasubok ang kanilang talak sa tanong na, "Okay lang ba sa'yo kapag jinowa ng best friend mo ang ex mo?" Magkaiba ang saloobin nina Lucky at Barbie, ngunit parehong may punto.  

Sa dulo, si Barbie ang mas nanlamon sa entablado at wagi sa unang Resbakulawan, matapos makakuha ng score na 9.7 mula kina Max Collins, Ralph de Leon, at Yllana Aduana. 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Barbie Bratz, tumatak ang talak sa kanyang pagbabalik sa ‘RESBAKULAWAN’ | Cheezmis